^

Punto Mo

‘Libreng sakit’ sa botcha’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

BINABALAAN ang publiko sa mga ibinibentang double dead meat o “botcha” sa mga pamilihan.

Mag-ingat sa mga bagsak-presyong karne. Baka kasi ma­engganyo kayo sa pag-aakalang malaki ang maititipid ninyo.

Ito ’yung panahon kung saan mataas ang mortality rate sa mga malalaking farm partikular sa baboy.

Dahil sa pabagu-bagong lagay ng panahon, marami ang nagkakasakit at namamatay. Dito naman lumalabas ang pa­giging malikhain ng mga trabahante sa piggery farms.

Sa halip na sunugin at ilibing ang mga carcass o patay na hayop, ang mga putok sa buhong farm worker, para makinabang at kumita, tumatawag ng mga kontratista. Sayang nga naman. Mga kenkoy,  kumag,  kolokoy talaga!

Sila ’yung mga kontratista na may closed aluminum van. Kukunin nila ang mga patay na baboy, dadalhin sa mga slaughter house saka idi-deliver sa mga wet market at pampublikong pamilihan.

Matagal nang namamayagpag ang patagong industriyang ito o sa English “underground industry.”

Talamak ito sa mga night market kung saan dinadayo ng mga mamimili lalo na ’yung mga nagbebenta ng barbecue sa gilid-gilid ng kalsada at maliliit na karinderia. 

Hindi naman natin nilalahat. Pero kung isa ka sa mahilig bumili at kumain sa mga nabanggit na tindahan, ngayon palang mag-isip-isip ka na. Kasi bukas baka isa ka na sa biktima.

Maliban dito, mag-ingat din sa mga promo kuno sa mga tindahan ng litson ngayong papalapit na ang Kapaskuhan.

Buy one take one daw pero lingid sa iyong kaalaman, ’yung isa dun botcha pala.

Nakatipid ka na, nakalibre ka na, kaya ayun, libre-sakit din.

Mag-ingat, mag-ingat!

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napa­panood at napapakinggan tuwing alas-10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

ABANGAN

DAHIL

DITO

KAPASKUHAN

KASI

KUKUNIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with