Pagpapatawad
DALAWANG linggo na ang nakararaan, ang mensahe sa service ay tungkol sa pagpapatawad. Ginamit na halimbawa ang kuwento ng magkapatid na sina Jacob at Esau. Nilinlang ni Esau si Jacob at ninakaw rito ang birth right. Matapos ang 20 taon muli silang nagkita at nagkapatawaran.
Sabi nga “Pray for all your relationships: for broken ones to be restored; for weak ones to be strengthened and for good ones to be maintained.”
Ang problema, matapos nating makasakit, mahirap para sa atin ang humingi ng tawad. At kadalasang dahilan natin ay ang takot na ma-reject. At ang takot na harapin ang bunga ng ating pagkakasala. Sa ganitong pagkakataon may bumubulong sa iyo na humingi ng tawad ngunit natatakot ka at nahihiya.
Ang dapat mong gawin ay magdasal. Pagtiwalaan ang Panginoong panghawakan ang sitwasyon, ayon sa kaniyang layon. Magpakumbaba sa Diyos. Sa kanya muna humingi ng tawad. Ngayon, pakawalan na ito sa kaniya. Ang mahalaga ay naging matapat ka sa Panginoon, humingi ka ng tawad sa kanya at sa iyong nakatampuhan. And then let go. Kung tanggapin ng tao o hindi ang iyong sorry, wala na iyon sa iyong kontrol. Ang mahalaga ay ginawa mo ang parte mo. Kaya isuko na lamang ito at ipagtiwala sa Diyos.
Iba pang aral mula sa kuwento ng magkapatid:
- Ang pamilya ang isa sa pinakamalaking biyaya natin sa buhay na ito. Kaya huwag silang balewalain. Paglaanan sila ng oras. Kung nasaktan ka nila, magpatawad. Kung nakasakit ka, humingi ng tawad.
- Ang iyong kilos, ang pagiging halimbawa ay napaka-makapangyarihan. Lalo na sa mga madalas mong makasama --- mga kaibigan at mga kapamilya.
- Pinagpapala ang mga mapagpakumbaba. Hindi ikababawas ng iyong pagkatao ang pagbaba ng iyong loob at pagpaparaya.
- Mas mahalaga ang relasyon natin sa mga tao kaysa materyal na bagay.
- Ang paghingi ng tawad at pagsisisi ay nagbubunga ng pagkakaayos ng mga bagay-bagay at relasyon.
- Tuparin ang mga pangako. Sa Diyos at sa kapwa. Kung hindi mo kaya, huwag ka na lang mangako.
- Maikli ang buhay. Huwag itong sayangin sa tampuhan at alitan. Kailangan tayo ng ating pamilya at mga kaibigan. Sulitin ang buhay na pahiram lang.
- Latest