^

Punto Mo

IloiLove

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

NOONG nakaraang linggo, dumayo ang crew ng Bet Ng Bayan sa Western Visayas para sa provincial finals. Una na-ming tinungo ang Negros Occidental, sugar capital ng Pilipinas,. Mahal na mahal ko ang Bacolod. In love ako sa pagkain doon. Kaya kong mabuhay na Chicken Inasal ang kinakain basta ang kanin ko ay naliligo ng chicken oil. Tapos ang panghimagas ay mainit na piaya.

Sa Nena’s Rose kami kumain sa Manokan Country. Walang kubyertos. Kamayang walang humpay. Isang mahabang lamesa kami. Napakasaya. Kakaibang experience. Para sa mas matatamis na alaala, sa Calea kami nag-dessert. Nakakabaliw ang sarap ng mga cake. Paborito ko ang White Chocolate Cheescake with Raspberry sauce at Chocolate Cake. May cake version din sila ng aking Dulce de Leche Pecan Cheesecake Cups. 

At para naman sa mga pasalubong para sa aming mga minamahal, sa Merci at Bong-Bong’s kami tumungo. Ang mga dapat iuwi sa mga kamag-anak at kaibigan sa Maynila ay Napoleones ng Merci, Piaya ni Bong-Bong’s at Food for the Gods ni Virgie’s.

Ang iba pang kainang hindi namin nabisita pero siguradong pupuntahan ko pagbalik ay ang Felicia’s, Pala-Pala, Sharyn’s Cansi House, Aboy’s Restaurant, 21 Restaurant at ang Negros Museum Cafe.

Kinabukasan ay nag 2Go Fast Craft kami pa-Iloilo. First time ko roon. Kilala ang Iloilo sa kanilang batchoy. Maraming batchoyan sa Iloilo pero ayon sa mga lokal, pinaka-authentic ang Netong’s sa La Paz.

Kung sariwang lamandagat ang hanap, sa Breakthrough magtungo. Masarap ang Aligue Rice at Managat doon. Itinayo ng may-ari ang resto para mabigyan ng sariling negosyo ang kanyang misis.

Para naman sa matatamis at mga pasalubong, magtungo sa Calea, at Maridel’s Café. Snicker’s Pie, Heaven and Hell at Frozen Lemon Meringue ang mga pinakamabenta.

Nanlaki ang mga mata ko sa “Queen Siopao” ng Roberto’s. Napakalaki! Napakasarap at hindi na kailangan ang sauce. Kung ang hanap ay biscocho, sa Biscocho Haus lang sa Jaro bumili. Masarap din ang Butterscotch at Yema doon. Pero ang may pinakamasarap na Butterscotch ay ang PJ’s Delicacies. Para kay Gummy, bumili ako ng Barquillos sa Deocampo Barquillos! Lami gid!

I love my job talaga! Libre na ang ticket sa eroplano, nakikita ko pa ang ganda ng lugar at kultura ng ating bansa, bayad pa ako dahil trabaho naman ang pinunta ko roon at natitikman ko ang mga awtentikong pagkain ng mga lugar.

 

ALIGUE RICE

BET NG BAYAN

BISCOCHO HAUS

BONG-BONG

CALEA

CANSI HOUSE

CHICKEN INASAL

ILOILO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with