^

Punto Mo

Kauna-unahang karera ng mga tangke sa mundo, ginawa sa Russia

- Arnel Medina - Pang-masa

UPANG ipakita sa mundo ang galing ng kanilang sandatahang lakas, nagsagawa ang Russia ng isang kakaibang karera noong 2013. Sa halip kasi na tao o kabayo ay pa­wang mga tangke ang nagkarera.

Apat na bansa ang kasali sa kakaibang karera. Bukod sa Russia, nagpadala rin ng kani-kanilang tank crews ang Kazakhstan, Armenia at Belarus.

Ang tankeng T-72B ang gamit na pangarera ng lahat ng koponan. Mag-uunahan ang lahat ng kalahok sa tatlong lap na may tig-aanim na kilometro ang haba. Susubukin ng unang dalawang round  ng kompetisyon ang husay ng mga kalahok sa pag-asinta habang tumatakbo nang mabilis ang tanke. Ang huli naman ay susubukin ang mga tank crews sa kanilang galing sa pagmamaneho ng tangke dahil kaila­ngan nilang dumaan sa mga tulay, mga maki­kipot na daan, at mga lugar na puno ng patibong na kailangan nilang iwasan.

Tagumpay ang isinagawang kompetisyon na pina­na­lunan ng koponan mula sa Russia.

Umaasa naman ang Russia­ na magiging mas malaki pa ang mga karera ng tangke na kanilang isasagawa sa mga susunod na mga taon. Nga­yong 2014, inimbita ng Russia ang China, India, Venezuela at walo pang bansa upang ma­rami ang lumahok sa kanilang kakaibang karera.

APAT

BELARUS

BUKOD

KAZAKHSTAN

SHY

SUSUBUKIN

TAGUMPAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with