^

Punto Mo

Manong Wen (67)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ANONG iniisip mo Ate?” tanong ni Precious kay Princess.

“Nag-iisip ako ng paraan kung paano tayo makakaiwas sa hayop na Chester na yun.’’

“Natatakot ako Ate. Baka pagpasok ko bukas, abangan niya ako.’’

“Ihahatid kita sa school bukas ng umaga.’’

“Paano ang pagtitinda mo ng bibingka?’’

“Ihahatid muna kita saka ako magtitinda.’’

“Paano sa pag-uwi ko?”

“Susunduin kita. Huwag kang matakot. Hindi ko hahayaang masanggi ka ng ha­yop na Chester na yun.’’

“Kung sana ay buhay si Tatay ano, Ate. Hindi uubra ang Chester na yun kay Tatay. Tiyak na bugbog-sarado siya.’’

“Baka hindi lang bugbog sarado ang abutin niya.’’

Napansin ni Princess na nag-iisip si Precious. Kina­kabahan yata ang kapatid niya dahil sa ginawa ni Chester ka­nina. Hayup talaga ang Chester na yun. Sana’y siya na lamang ang paglaruan at hindi si Precious na nene pa. Kawawa naman ang kapatid niya.

“Sige na Precious, magpahinga ka na at mag-aral ng lesson. Bukas ng umaga ay ihahatid kita. Huwag kang matakot at hindi kita pababayaan.’’
“Ano kaya sabihin natin kay Mang Jo ang ginagawa ni Chester. Di ba maaari mo namang tawagan o i-text si Mang Joe. Di ba binigyan ka ng cell phone?”

“Oo.’’

“Tawagan mo siya Ate.’’

“Nakakahiya Precious. Marami nang naitulong sa atin si Mang Jo kaya nakakahiya na. Hayaan na lang natin kung kailan siya darating.’’

“Kung narito sana siya, hindi ako matatakot Ate.’’

“E kaso nga e hindi naman natin siya maoobligang tumira rito. May buhay siyang sarili.’’

Hindi na nagsalita si Precious. Maya-maya ay tumayo na at tinungo ang kanilang silid.

Nakadama ng awa si Princess sa kapatid.

Dinampot ni Princess ang mga arnis. Kailangang matutuhan niya ang paggamit ng mga ito. Ipinalo-palo niya sa hangin. Natatandaan pa niya ang ginagawang pagpalo ng kanyang tatay habang nag-eensayo ito sa likod ng kanilang bahay. Mabilis at nasa tamang hakbang ang mga palo ng kanyang tatay. Sa pagkakatanda niya may sampung paraan ng pagpalo.

Paano niya kaya mala­laman ang mga iyon?

Naisipan niyang pumasok sa kuwarto ng kanyang tatay. Hahalungkatin niya ang attaché­ case nito at baka may makita siyang mga pamamaraan sa paghawak ng arnis.

(Itutuloy)

HUWAG

IHAHATID

MANG JO

MANG JOE

NAKAKAHIYA PRECIOUS

NIYA

PAANO

TATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with