^

Punto Mo

Dapat bang ipatigil ang Senate hearing kay Binay?

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

BUMAGSAK na ang po­pularidad na nakuha ni Vice President Jejomar Binay para sa mga posibleng manalo sa 2016 presidential elections.

Ang pagbagsak ng rating ni Binay ay sa gitna ng mga alegasyon dito ng katiwalian sa pangunguna ng umano’y overpriced na Makati parking building at pagmaniobra raw sa halos lahat nang proyekto sa Makati.

Bagamat nangunguna pa rin si Binay na nakakuha ng 31 percent para manalo sa 2016 presidential elections bumagsak ang rating nito kumpara sa nakaraang survey na 41 percent.

Kung hindi makukumbinsi ni Binay ang taumbayan na hindi siya nakinabang sa Makati parking building at mga proyekto, maaring bumagsak pa ang kanyang rating.

Ang dapat unahin ni Binay ay makumbinsi ang Supreme Court na sila ay kampihan at ipatigil ang imbestigasyon  ng Senado.

Naniniwala ang kampo ni Binay na nagtatago ang committee sa kapangyarihang in aid of  legislation  pero ito ay paninira lamang. At ang tanging makakapigil dito ay ang SC.

Ayon kay Dean Amado Valdez, nasa Ombudsman na ang kasong katiwalian laban kay Binay  at dapat irespeto ng Senado.

Kapag napatunayan ng SC na umabuso ang Senado, maaring ipatigil nito ang imbestigasyon.

Abangan kung makakayanan ni Binay na malampasan ang delubyong ito at maging Presidente siya.

ABANGAN

AYON

BAGAMAT

BINAY

DEAN AMADO VALDEZ

MAKATI

SENADO

SUPREME COURT

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with