^

Punto Mo

Isang bayan sa Espanya, ibinibenta dahil bagsak ang ekonomiya

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG buong bayan sa Espanya ang ipinagbebenta dahil sa malubhang kalagayan ng kanilang ekonomiya.

Sa halagang 280,000 euro (katumbas ng P16.1 milyon) ay mabibili na ang buong bayan ng Esblada. Kasama sa nasabing presyo ang isang maliit na simbahan, 14 na kabahayan, at isang imbakan ng alak.

Bagamat mura ang nasabing presyo para sa isang bayan, may mabigat namang kondisyon para sa maka-kabili. Kailangan kasi ng sinumang bibili na i-develop ang Esblada upang mabuhay ang ekonomiya nito.

Kaya naman lubos na umaasa si Ramon Martin, ang kaisa-isang natitirang residente ng Esblada, na maibabalik ang dating sigla ng kanyang bayan sakaling maipagbenta na ito. Umaasa rin siyang sana ay magkaroon na ulit ng mga trabaho sa Esblada upang magkaroon na ulit ito ng mga residente.

Naubos ang residente ng Esblada nang bumagsak ang ekonomiya nito at nawalan ng trabaho ang karamihan na nagtulak sa mga tao upang lisanin ang bayan. Si Ramon na lang ang natitirang residente ng Esblada dahil ang karamihan sa mga nanatili ay pawang namatay na dahil sa katandaan.

Marami nang nagkakainteres sa pagbili ng Esblada at karamihan ay mga banyagang gustong mamuhunan sa nasabing bayan.

vuukle comment

BAGAMAT

BAYAN

ESBLADA

ESPANYA

KAILANGAN

KASAMA

KAYA

MARAMI

RAMON MARTIN

SI RAMON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with