^

Punto Mo

EDITORYAL - Hindi incinerators ang solusyon sa basura

Pang-masa

ISINUSULONG ng Metro Manila Development Authority­ (MMDA) ang paggamit ng incinerators para raw wala nang basurang magpapabara sa mga daluyan ng tubig na nagiging dahilan nang pagbaha. Sabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino, ang basura­ ang numero unong dahilan kaya may pagbaha sa Metro Manila. Bumabara ang mga basura (parti­kular ang mga plastic) sa mga imburnal at tumatagal doon sapagkat hindi natutunaw sa matagal na panahon. Sabi ni Tolentino, kung gagamit ng incinerators, masosolb ang problemang baha. Kayang sunugin ang lahat nang basura kung mag-iinvest ang pamahalaan sa incinerators. Hinalimbawa ni Tolentino ang Sweden na hindi kailanman nagbaha sapagkat walang basura dahil incinerators ang ginagamit. Maging sa Japan at sa mga bansa sa Europe ay icinerators ang ginagamit kaya walang basura roon at wala ring baha. Kung magkakaroon ng incinerators ang bansa, wala na raw problema sa baha.

Hindi kami sumasang-ayon sa plano ni Tolentino. Ang pagbabawal pa rin sa paggamit ng plastc bags ang mainam na solusyon. Ipagbawal nang tuluyan ang plastic­ bags at wala nang babara sa mga daluyan ng tubig­. Kung pawang supot na papel ang gagamitin, hindi­ ito magbabara sa mga imburnal dahik natutunaw.

Marami nang lungsod sa Metro Manila ang nagbawal ng plastic bag. Nangunguna ang  Muntinlupa City sa nagbawal sa paggamit ng plastic. Sumunod ang Las Pinas, Marikina City, San Juan, Quezon City at ang Makati City. Ang Maynila ay hindi pa nagbabawal sa paggamit ng plastic bag. Maraming estero sa Maynila ang namumutiktik sa basurang plastic.

Kung maipatutupad ang pagbabawal sa paggamit ng plastic sa buong bansa, maaaring wala nang mala­laking pagbaha na mangyayari lalo na sa Metro Manila. Kailangan din naman ang pakikiisa ng mamamayan para huwag nang magtapon ng basura kung saan-saan lang. Magkaroon na ng disiplina ang bawat isa para mailigtas ang kapaligiran.

Hindi incinerators ang solusyon. Lalabagin lang nito ang Clean Air Act of 1999.

ANG MAYNILA

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

CLEAN AIR ACT

LAS PINAS

MAKATI CITY

MARIKINA CITY

METRO MANILA

NANG

TOLENTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with