^

Punto Mo

Manong Wen (60)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

PERO biglang naalala ni Princess ang mga pa­alala ng kanyang tatay na huwag munang magpa­paalipin sa tawag ng pag-ibig. Noon ay buhay pa ang tatay niya. Sabi ng tatay niya, hindi ang pakikipagrelasyon ang dapat maging prayoridad. Hindi siya dapat maging sunud-sunuran sa gusto ni Chester. Hindi niya dapat isuko ang sarili kay Chester. Mahal niya ito pero hindi dapat mangibabaw ang pagnanasa sa kanya. Saka na muna ang hinihiling ito.

Pero ayaw naman niyang hiyain si Chester kaya nag-isip siya ng paraan kung paano ito mapipigilan sa ginagawa sa kanya. Ipinapasok ni Chester ang kamay sa loob ng palda niya. Malikot na malikot ang kamay ni Chester.

May naisip siyang paraan­.

“Chester, puwede punta muna ako sa CR. Kasi’y ano… punta muna ako ha?”

Tumingin si Chester sa kanya. Namumungay ang mga mata nito. Parang nag­hihinala.

“Bahkit Princess? Hik!”

“Kasi’y ano. Basta pupunta ako!”

“Sige na ngah, busit!”

Nagma­madaling nagtungo si Princess sa CR. Dali-daling kinuha sa kanyang bag ang napkin. Mabuti at lagi siyang may baon na napkin. Inilagay ang napkin sa kanyang panty. Magkukunwari siyang niregla --- biglang niregla! Ipahihipo pa niya ang napkin kay Chester para maniwala.

Pero paano kung magpumilit si Chester kahit na may regla siya.

Bahala na!

Lumabas siya sa CR. Nagtungo sa salas. Nakita niyang hubad na ang damit ni Chester. Talagang desidido ito na kunin ang kanyang pagkababae!

(Itutuloy)

vuukle comment

BAHALA

BAHKIT PRINCESS

CHESTER

HIK

INILAGAY

IPAHIHIPO

IPINAPASOK

KASI

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with