^

Punto Mo

Tsugiin sina SPO1 Esteban at SPO2 Fresnedi!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

DAPAT isama ni DILG Sec. Mar Roxas sa lifestyle check ang police-cum-gambling lords na sina SPO1 Roger Esteban alyas Sacho at SPO2 Gener Fresnedi alyas Paknoy. Si Esteban ang nasa likod nang malawakang video karera operation sa Caloocan City at Calamba City sa Laguna samantalang ang horseracing bookies naman ni Fresnedi ang namamayagpag sa ngayon sa Maynila. Sa tingin ng mga kosa ko, panahon na para mamili itong sina Esteban at Fresnedi kung ano ba talaga ang role nila sa buhay-pulis o gambling lord? Dapat mahiya sina Esteban at Fresnedi sa mga kasamahan nila sa PNP na nagbubuwis ng buhay para masugpo ang kriminalidad sa bansa subalit sila ay pakuya-kuyakoy lang sa kanilang mga mansion at presto…. milyon ang dumarating sa bulsa nila, di ba mga kosa? Hindi kasi angkop na sinuwelduhan ng gobyerno sina Esteban at Fresnedi subalit ang VK operation at karera ng kabayo ang pinagkaabalahan nila. Tsugiin mo na sina Esteban at Fresnedi, Sec. Roxas Sir para hindi na sila matularan pa ng kapwa pulis, hehehe! Kapag napatunayan na hindi sila nagbabayad ng tamang buwis, aba dapat ikulong mo na sina Esteban at Fresnedi, Sec. Roxas Sir! Tumpak!

Para sa kaalaman n’yo mga kosa, ang DILG at BIR kasi ay magsasagawa ng lifestyle check sa lahat ng pulis matapos ang EDSA hulidap incident sa Mandaluyong City noong Set. 1. Puwede ba BIR Commissioner Kim Henares Ma’m na isama mo rin sa lifestyle check ang mga gambling lords tulad ng mag-asawang Romy at Gina Gutierrez at Buboy Go at tiyak milyones ang makokolekta ng opisina mo? Ang Gutierrez couple ang nasa likod ng VK operations sa Maynila samantalang si Buboy naman ang sa Malabon City. Kung itong mga tricycle, sari-sari store at vendor ay balak pagbayarin ni Henares ng buwis eh bakit itong mga gambling lord ay hindi niya puntiryahin? Itong mga tricycle, sari-sari store at vendors ay may konting kapital lang at naghirap para may maihain sa kapag kainan subalit ang mga gambling lord ay milyones ang kinikita o ninanakaw sa kanilang parukyano at hindi pa naghirap, di ba mga kosa! Kaya dapat sa gambling lords ituon ni Henares ang kanyang atensiyon at hindi sa maliliit na negosyante na halos naghihikahos na ang mga buhay dahil sa sobrang mahal ng bilihin sa ngayon. Boom panes!

Pero marami naman sa mga kosa ko ang nagsasabi na moro-moro lang ang lifestyle check nina Roxas at Henares. Kasi nga, habang dumadakdak si Roxas tungkol sa lifestyle check, ang mga operatiba naman ng Office of Internal Security (OIS) at Special Projects Division (SPD) ng DILG ay bumabangketa ng huli nila hindi lang sa Metro Manila kundi maging sa kalapit na lugar. ‘Ika nga, namimitsa lang itong taga-OIS at SPD. Siyempre, kapag binanggit sa ngayon ang pangalan ni Roxas, tiyak nangangatog na ang tuhod ng gambling lords, di ba mga kosa? Hindi lang ‘yan! Kung may budget man ang mga GL para sa DILG, aba lumaki ang tara nila dahil dalawang unit na ang aamuin nila. Kapag patuloy ang bangketa operation ng OIS at SPD, magmumukhang tanga si Roxas sa hanay ng gambling lords, di ba mga kosa? Abangan! 

 

vuukle comment

ANG GUTIERREZ

BUBOY GO

ESTEBAN

FRESNEDI

GAMBLING

HENARES

ROXAS

ROXAS SIR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with