^

Punto Mo

Manong Wen (57)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

TAKANG-TAKA si Precious nang makita ang kanyang Ate Princess na hawak ang mga arnis ng kanilang namayapang ama --- si Manong Wen.

“Anong gagawin mo d’yan Ate?’’

“In case pasukin tayo ng taong sumusunod sa akin, gagamitin ko ito.’’

“Marunong kang gumamit n’yan?’’

‘‘Hindi gaano pero natatandaan ko ang mga palo ni Tatay noong nabubuhay pa. Minsan napanood ko siya habang nagpapraktis sa likod ng bahay. Kailangan lang maliksi at matibay ang loob. Sabi ni Tatay kapag aatake sa kalaban, huwag nang magdalawang isip. Kailangang ma-disabled ang kalaban. Hataw na walang puknat ang kailangan.’’

‘‘Makakaya mo Ate?’’

‘‘Kakayanin ko para makaligtas tayo sa sinumang magtatangka sa atin.’’

‘‘Natatakot ako, Ate.’’

‘‘Huwag kang matakot. Narito naman ako.’’

‘‘Sana may kasama tayong­ lalaki rito ano Ate.’’

“Sino namang isasama natin dito?’’

‘‘Si Mang Jo.’’

Napaumis si Princess.

‘‘Gusto mong patirahin dito si Mang Jo?’’

‘‘Para may kasama tayo.’’

‘‘Hindi yun papayag dahil mga babae tayo rito. At siyem­pre ano ang iisipin ng mga kapitbahay natin.’’

‘‘Ano kaya at sabihin natin kay Mang Jo na bumili ng lupa at bahay dito para madali natin siyang mapupuntahan in case of emergency.’’

“Nakakahiyang sabihin ‘yun Princess. Malay mo may mga plano siya sa buhay tapos ay oobligahin natin. Tinulungan na nga niya tayo e aabalahin pa natin siya.’’

Nanahimik si Precious.

“Bakit nga pala ang tagal mong buksan ang pinto kanina?’’

“Nakatulog ako Ate. Nasa ilalim ako ng kumot kaya hindi ko narinig ang katok at tawag mo.’’

“Akala ko kung nasaan ka na. Naisip ko baka na-hostage ka na dahil hindi ka sumasagot.’’

Napangiti lang si Precious.

“Sige matulog ka na uli. Nakakain ka na ba?’’

‘‘Oo. Kumain ka na rin Ate.’’

“Mamaya na. Mag-oobserba muna ako sa paligid.’’

‘‘Huwag mo nang buksan ang pinto Ate at baka nag-aabang lang ang nagtatangka sa’yo.’’

Tumango si Princess. Isinandal nito ang mga arnis sa dingding.

Nagtungo na si Precious sa kanyang kuwarto.

Naupo sa sopa si Princess. Binabalikan niya sa isip ang pangyayari kanina habang sinusundan siya ng anino.

Sino kaya ang walanghiyang iyon? Rapist kaya? Holdaper?

Mabuti na lamang at may dumating na traysikel. Utang niya sa traysikel drayber ang pagkakaligtas sa lalaking sumusunod sa kanya. Hindi man lang siya gaanong nakapagpasalamat sa lalaki. Hindi naman niya matandaan ang mukha dahil sa sumbrero.

Habang nakasandal sa sopa ay nakaidlip si Princess. Napagod siya dahil sa mabilis na paglakad-takbo kanina.

Wala siyang kamalay-malay na may mga yabag na papalapit sa pintuan ng kanilang bahay. Dahan-dahan­ ang hakbang.

(Itutuloy)

vuukle comment

ATE

ATE PRINCESS

HUWAG

MANG JO

MANONG WEN

SI MANG JO

SINO

TATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with