^

Punto Mo

Quota system!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Marahil ay  matatagalan pa bago makagulapay ang PNP sa ibat-ibang mga akusasyon na lumulutang sa kasalukuyan matapos nga ang kontrobersyal na kaganapan sa ‘Edsa hulidap’.

Bukod sa naglutangan ang iba pa umanong naging biktima ng mga hulidap ng ilang tiwaling pulis, abay ngayon naman ay pumutok ang tinatawag umanong ‘quota system’ sa hanay ng kapulisan.

Ito umano ang pagre-remit ng mula P3,000 hanggang sa P7,000 kada linggo ng iba’t ibang himpilan sa kanilang superior.

Ang ‘quota’ umano ay galing naman sa iba’t  ibang illegal na aktibidades na doon nasasangkot ang ilang pulis.

Napipilitan naman umano na magbigay ang mga pulis na tinotokahan para naman hindi sila maalis sa pwesto o posisyon.

Mabigat ang ganitong akusasyon at alegasyon, pero hindi naman marapat na puro sabi lang, kailangan may matapang na lumutang para siyang magsiwalat kung totoo nga ang ganitong mga alegasyon.

Mahirap naman kasi na puro tsismis at walang  lulutang para patunayan ang   ganitong mga akusasyon.

Maaaring idahilan na natatakot sila, pero kung nais talaga nilang malinis ang hanay  dapat nilang simulan.

vuukle comment

BUKOD

EDSA

MAAARING

MABIGAT

MAHIRAP

MARAHIL

NAMAN

NAPIPILITAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with