^

Punto Mo

‘Humorous Side’ ng mga Presidente

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

John Adams

Siya ang ikalawang US President. Nang tumira sila sa White House, wala pa itong opisyal na pangalan. Executive Mansion pa lang ang tawag dito. Mula sa kanilang orihinal na tahanan sa Philadelphia, nagtungo sila sa Washington DC. Sa kanilang buong pagtataka, ilang oras na silang paikut-ikot ngunit hindi nila matagpuan ang Executive Mansion. Naligaw pala sila at napapunta sa gubat.

John Quincy Adams

Siya ang 6th US President at anak ni John Adams. May ugali itong lumangoy nang hubo’t hubad tuwing 5 a.m. sa Potamac river, malapit sa White House. Ayaw niyang magpa-interview sa kaisa-isa at pinakaunang  babaeng journalist sa America, si Ann Royall. Ang ginawa ni Royall ay sinundan ito sa Potamac river, kinuha ang damit ng presidente at nangakong ibibigay lang ito kung magpapa-interview. Nagtagumpay ang makulit na reporter.

Andrew Jackson

Siya ang pinakaunang presidente na nakaligtas sa assassination. Nang pinaputok ng assassin ang baril sa una at ikalawang pagkakataon,  hindi ito tumama­ sa kanyang target, si Jackson. Nagkaroon ng pagkakataon ang presidente na makatakbo palapit sa tangengot na assassin para hampasin sa ulo nang walang humpay gamit ang kanyang tungkod.

Milliard Filmore

Ang 13th US President. Pagkakalooban sana siya ng honorary degree mula sa Oxford University pero tinanggihan niya ito dahil ang diploma na iniabot sa kanya ay nakasulat sa Latin. Hindi raw niya ugaling tumanggap ng papel na ang nakasulat ay hindi niya maintindihan.

 

 

 

 

ANDREW JACKSON

ANN ROYALL

EXECUTIVE MANSION

JOHN ADAMS

JOHN QUINCY ADAMS

MILLIARD FILMORE

NANG

SIYA

WHITE HOUSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with