^

Punto Mo

Trapik sa Maynila, dodoble

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

IPINATIGIL ni Manila Mayor Joseph Estrada ang pagpapatupad sa truck ban sa Maynila simula noong nakalipas na Sabado.

Medyo pikon na umano ang alkalde dahil ang ipinatutupad na truck ban  ang iginigiit at sinisisi  ng mga truckers at ilang sektor na sanhi umano ng port congestion sa lungsod.

Kung noong nagpapatupad nang maikling oras na truck ban ang Maynila sa mga truckers na ito na siya ngayong namamayani sa lungsod, ramdam at talagang kalbaryo ang matinding trapik, tingnan natin ngayong inalis ang truck ban kung gaano ang tindi ng trapik.

At dahil sa inaasahan na maglalabu-labo na ang daloy ng trapiko na kahit saan ay pwedeng dumaan ang mga higanteng bus na ito, naku po, wag naman sanang mangyaring maraming maitalang mga aksidente.

Aba’y masyado nang nagbebeybi ang mga ito. Ayon sa pamahalaang lungsod lahat ng hiniling ng mga truckers ay naibigay sa mga ito, kabilang dito ang window hour, express trade lane, at iba pa.

Kung baga eh, abuso na.

Aba’y marami pa sa mga driver ng mga truck na ito ang barumbado sa daan.

Nakakatakot dahil kahit may dalang mga container na uuga-uga eh walang pakialam sa mga katabing maliliit na sasakyan. Kahit pa sabihin sa mga palikong lugar, kung saan pwedeng mawala sa balanse at makalas o gumewang ang nakapatong nilang container, ay sige pa rin ang harurot ng mga ito.

Ngayong inalis na ang truck ban sa lungsod, ano na naman kaya ang idadahilan ng mga ito sa patuloy na pagsisikip sa pantalan at sa  nararanasang matinding trapik.

Ano na naman kaya ang susunod na igiit ng mga ito na ang laging dahilan ay maa­apektuhan ang ekonomiya!

ANO

AYON

KAHIT

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MAYNILA

MEDYO

NAKAKATAKOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with