^

Punto Mo

Pasyente, tumutugtog ng violin habang inooperahan sa utak

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae mula sa Lithuania ang tumutugtog sa kanyang violin habang isinasagawa ang operasyon sa kanyang utak.

Na-diagnose ang violinist na si Naomi Elishuv ng essential tremor, 20 taon na ang nakakaraan. Dahil sa nasabing sakit, laging nanginginig ang kanyang mga kamay habang  tumutugtog ng violin. Dahil sa kalubhaan ng kanyang naging sakit, dumating ang punto na kinailangan na niyang tigilan ang paggamit ng nasabing instrumento.

Kaya pumunta siya sa Israel upang doon magpagamot.

Isinailalim si Naomi ng mga doktor ng Tel Aviv Souraksy Me­dical Centre sa isang operasyon kung saan didikitan ang utak niya ng tinatawag na electrode upang mapigilan ang kanyang panginginig.

Kakaiba ang nangyaring operasyon dahil upang masigurado na tama ang pagkakalagay ng electrode sa utak ni Naomi ay kailangan na manatiling tumutugtog ng violin ang pasyente habang nangyayari ang brain surgery upang makita kung magkakaroon ito ng epekto sa panginginig ng kanyang mga kamay.

Kitang-kita naman ang naging tagumpay ng operasyon kay Naomi dahil pansin ang agad na pagkawala ng pangi­nginig sa kanyang mga kamay sa paglalaro niya ng violin habang siya ay inooperahan.

Tuwang-tuwa naman si Naomi at nasasabik na siyang mamuhay ng normal at hindi pinuproblema ang panginginig ng kanyang mga kamay.

DAHIL

ISINAILALIM

KAKAIBA

KANYANG

KAYA

KITANG

NAOMI ELISHUV

TEL AVIV SOURAKSY ME

TUWANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with