^

Punto Mo

‘Iba’t ibang modus sa taxi’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

PINAG-IINGAT ang mga taxi rider o mga sumasakay ng taxi lalo na ang mga babae.

Ngayong “ber” months kasi, mas agresibo ang mga bastos, pasaway, mapagsamantala at isnaberong taxi driver sa lansangan.

“Isnaberong taxi” sila ang mga namimili at tumatanggi sa mga nag-aabang na pasahero. Karaniwang dahilan ng mga kolokoy, hindi sila bibyahe, out of line ang destinasyon at ang iba, ‘pag malapitan lang, talagang ayaw magpasakay.

Bukod sa mga isnabero, marami ring mga taxi driver na na­ngongontrata at nagpapadagdag ng pamasahe. Magbibigay na lang siya ng presyo at sasabihing huwag nang gumamit ng metro.

Subalit, ang mas nakakabahala ay ang mga naglipanang utak-kriminal na mga taxi driver na may maitim na balakin sa kanilang mga babaeng pasahero.

Hindi na ito bago sa BITAG. Ito ’yung modus kung saan ang mga putok sa buhong drayber ay gumagamit ng mapanganib at ipinagbabawal na kemikal para makapambiktima.

Ito ’yung kemikal na kapag nalanghap ng kanilang pasahero sa loob ng airconditioned taxi makakaramdam ng pagkahilo, pamamanhid ng katawan at panghihina. Dito nagkakaroon sila ng oportunidad na isagawa ang krimen.

Masahol dito, hindi ka lang mananakawan. Nagagawa rin ng mga utak-kriminal na drayber na molestiyahin ang biktima.

Marami na ang mga nabiktima sa modus na ito. Lahat mga babae. At ang krimen, karaniwang isinasagawa sa gabi.

Para makaiwas sa modus, alamin ang nasabing kemikal sa bitagtheoriginal.com click “BITAG NEW GENERATION.”

Ang episode ay may pamagat na “Langhap.” 

 

BUKOD

DITO

ISNABERONG

KARANIWANG

LAHAT

LANGHAP

TAXI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with