^

Punto Mo

Mr. Dreamboy

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

LAGING ugat ng pag-aaway ng mag-asawang Mercy at Basil ang pagiging chain smoker, mag-iinom  at pagsusugal  ng huli. Ang laging parinig ni Mercy kay Basil: “Basta’t makakita lang ako ng lalaking hindi naninigarilyo, hindi umiinom at hindi nagsusugal ay magpa-file kaagad ako ng annulment para makapagpakasal ako sa lalaking iyon!”

Isang araw ay may nakasalubong na taong grasa si Basil. Humihingi ito ng perang pambili ng pagkain. Inialok ni Basil ang hawak na beer  in can sa  taong grasa.

“Hindi ako umiinom, gusto ko pambili ng pagkain,” sabi ng taong grasa.

Inialok ni Basil ang isang kahang sigarilyo. Umiling ang taong grasa.

“Hindi ako naninigarilyo. Gusto ko’y pambili ng pagkain.”

Inialok ni Basil ang lotto ticket, “Para kapag tumama iyan ay hindi ka na mamamalimos.”

 Sunud-sunod na pag-iling ang ginawa ng taong grasa at sinigawan na si Basil.

“Hindi ako nagsusugal! Pagkain ang gusto ko!”

“Halika sumama ka sa aming bahay at doon kita pakakainin.”

Pagdating sa bahay ay gulat na gulat si Mercy sa kasama ng asawa. Nangangalingasaw ang masamang amoy ng taong grasa kaya bigla nitong natakpan ang ilong.

“O, bakit may kasama kang ganyan?”, asar na tanong ni Mercy

Sa halip na sumagot si Basil ay tinanong nito ang taong grasa kung siya ba’y naninigarilyo. Iling ang sagot. Siya ba’y nagsusugal? Iling ang sagot. Siya ba’y umiinom ng alak? Iling na naman ang sagot.

Muling hinarap ni Basil ang asawa. “O, nahanap ko na ang dreamboy mo, bitbitin mo na sa simbahan at pakasalan mo na.”

Nakahagip ng walis-tambo si Mercy at ipinukpok sa ulo ng asawa. “Ulol!”, sabi sa asawa sabay hagalpak ng tawa.

vuukle comment

AKO

BASIL

GRASA

HALIKA

HUMIHINGI

INIALOK

SIYA

TAONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with