^

Punto Mo

‘Pagtuturo ng sisi’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

KAPAG ang isang lider o indibidwal, humingi ng paumanhin, dispensa at pag-unawa, nakikita niya ang kanyang pagkukulang at pagkakamali.

Dahil natukoy niya kung saan siya nagkulang at nagkamali, nalalaman na niya kung ano ang mga bagay at desisyon na dapat niyang gawin at tuwirin.

Nitong mga nakaraang araw, personal na humingi ng pa­umanhin si Pangulong Benigno “Noy” Aquino sa mga aberya sa sektor ng transportasyon.

And’yan ang sunud-sunod na aberya ng metro rail transit­ (MRT) at ang matagal at palala pa nang palalang problema sa trapiko.

Matatandaang noong Biyernes, natengga ang maraming motorista at pasahero sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX). Nagdulot ng kalituhan at kaguluhan ang ipinatupad na one-truck lane policy sa mga pribadong cargo truck na naglilipat ng mga container van galing sa Port of Manila.

Dito palang malinaw na makikita na ang kapalpakan, kawalang-koordinasyon at kawalang-sistema ng ahensyang nangangasiwa sa transportasyon, ang Department of Transportation and Communication (DOTC).

Sa halip magpaliwanag sa nangyaring aberya si Sec. Joseph Abaya, si PNoy pa mismo ang humingi ng paumanhin sa publiko.

Pero, kasabay nito, itinuturo ni PNoy ang sisi kay dating Pangulong Gloria Arroyo. Kung noon palang daw nasolusyunan na ang problema partikular sa MRT, hindi na sana nila ito namana at hindi na lumala pa ang trapiko partikular sa Kalakhang Maynila.

Ibig sabihin, sa loob ng apat na taong panunungkulan ng kasalukuyang administrasyon, anuman­ ang mga lumalabas na problema ngayon sa sektor ng transportasyon, ang sisi nakaturo pa rin doon sa aleng naka-hospital arrest sa Veterans Memorial Medical Center.

Ang isang lider o namumuno na gustong makuha ang simpatya ng publiko, hindi ipinapasa ang sisi sa iba. Kung kinakailangang may sampolan siyang mga tatamad-tamad at palpak na Gabinete, sinisibak agad ito sa serbisyo.

Ang problema, matagal nang iniluklok sa pwesto si Sec. Abaya na nagpapabaya sa DOTC, hindi pa rin sinisibak ng Pangulo.

Nauna ng sinabi ni Pangulong Noy na ang taumbayan ang ‘boss’ niya.” Matagal nang gusto ng mga “boss” na tanggalin na si Abaya at ilan pang mga Gabineteng “wala namang silbi” na “inilagay” sa gobyerno.

Subalit, ang lagi lang sagot at paliwanag ni PNoy, nananatiling mataas ang kanyang kumpyansa at tiwala rito.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas-10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

ABAYA

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

JOSEPH ABAYA

KALAKHANG MAYNILA

NORTH LUZON EXPRESSWAY

PANGULONG BENIGNO

PANGULONG GLORIA ARROYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with