5 pagkakaiba ng babaing pakakasalan …o hanggang pang-date lang
1. Ang babaeng pang-date: Hindi interesadong makilala ang pamilya mo. ’Yung babaeng masarap pakasalan, siya ang atat na makilala ang iyong pamilya.
2. Ang babaeng pang-date: Importante sa kanya ang pagpapaganda. Mas malaki ang ginagastos niya sa pagpapaganda kaysa iba pang gastusin. Para bang mamamatay kapag hindi nakapag-lipstick matapos kumain sa restaurant. Ang babaeng masarap pakasalan, naroon pa rin ang self-confidence kahit walang make-up. Kaya maganda pa rin siya sa kabila ng kasimplehan. Nakapokus siya sa kanyang internal beauty at character building.
3. Ang babaeng pang-date: Ang career lang niya at pangarap ang ibinibida sa iyo kapag nagkukuwentuhan kayo. Walang siyang interes na pag-usapan ang sa iyo. Ang babaeng masarap mahalin nang pangmatagalan ay nagpapakita ng interes na malaman ang iyong mga plano sa buhay.
4. Ang babaeng pang-date: Hindi marunong magluto at hindi interesadong matuto kahit kailan. Ang babaeng pakakasalan: Hindi marunong magluto pero sinusubukang matuto dahil alam niyang kailangan iyon kapag nagkapamilya na siya.
5. Ang babaeng pang-date: Laging nakaladlad ang kanyang cleavage at mahilig mag-shorts na super ikli kapag dinadalaw mo sa bahay. Lagi siyang nang-aakit. Siyempre, ang babaeng pakakasalan ay may hiya na ibuyangyang ang kanyang cleavage at kuyukot. Ang sekreto ng kanyang katawan ay reserbado sa lalaking magpapakasal sa kanya.
- Latest