^

Punto Mo

Mabait na ama sa California, gumawa ng roller coaster para sa anak

- Arnel Medina - Pang-masa

PARA mapagbigyan ang kakaibang hiling ng anak, isang 50-anyos na ama sa California ang nagtayo ng roller coaster sa loob mismo ng sarili nilang bakuran.

Hiniling ng anak ni Will Premble ang pagkakaroon ng sarili nilang roller coaster sa kanilang tahanan matapos mamasyal ang kanyang pamilya sa isang theme park kung saan nakakita ang bata ng isang roller coaster.

Agad namang sinunod ni Will ang kahilingan ng anak.

Matapos gumugol ng humigit-kumulang na 300 oras at paggastos na umabot sa $3,500 (mahigit P150,000). Nakabuo si Will ng isang roller coaster na sasakyan ng kanyang anak araw-araw.

Kahanga-hanga ang roller coaster ni Will dahil hindi naman kalakihan ang bakuran ng kanyang tahanan. Sa kabila nito, nakagawa pa rin siya ng isang kumpletong roller coaster na gawa sa kahoy at PVC pipe na may 180 talampakan ang haba.

Maraming namangha sa roller coaster ni Will at marami na ang kumukontrata sa kanya para magpagawa ng roller coaster sa kanilang mga bakuran. Kaya pinag-iisipan na ngayon ni Will kung gagawin ba niyang hanapbuhay ang pagtatayo ng maliliit na roller coaster na katulad ng ginawa niya para sa anak.

ANAK

COASTER

HINILING

KAHANGA

KAYA

MARAMING

MATAPOS

NAKABUO

ROLLER

WILL PREMBLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with