^

Punto Mo

Ang mataimtim at seryosong pag-unawa…

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

… sa Kulangot

SIGURO ay kabilang sa salitang bastos ang kulangot kaya hindi ito napag-uusapan sa school noong ako ay bata pa. Ang nangyari tuloy, lumaki akong hindi alam ang English sa kulangot. Kaya nang malaman kong ito ay booger sa English, dalaga na ako. Ngayon ko lang nalaman na iba pala ang tawag ng mga British sa kulangot – bogey o bogie.

Ang ilong ay gumagawa ng mucus. Ito ang humahadlang para ang nalalanghap nating alikabok o bulo ng bulaklak (pollen) ay hindi dumiretso sa ating baga. Ang ibang mucus ay nalulunok natin at iba naman ay naiiwan sa ilong at natutuyo. Tuwing tayo ay lumalanghap ng dry air, ang mucus ay nagiging kulangot.

May ibig sabihin ang kulay ng kulangot: clear – normal; yellow – may infection; green – nakalanghap ng polluted air o usok ng sigarilyo; white – nasosobrahan ng inom ng gatas.

Kung may salitang English sa kulangot, may katapat din English sa nanghihinulangot (paghila ng kulangot palabas mula sa ilong). Sosyal ang English sa nanghihinulangot, Rhinotillexomania. Nakakautal pa. Rhino means “nose,” tillexis means “habit of picking,” and mania means “excessive enthusiasm.” 

Ayon sa statistics, isa sa bawat 4 na tao ay nanghihinulangot isang beses kada araw. Naranasan na ba ninyong tikman ang inyong kulangot na kahuhugot pa lang sa inyong ilong? Aminin. Maalat di ba? Ayon sa biochemist ng University of Saskatchewan na si Scott Napper, may health benefits sa “booger munching”. Senigundahan ito ni  Friedrich Bischinger, lung specialist sa Privatklinik Hochrum sa Innsbruck. Dagdag pa niya, ang nose-picking and eating ay nagpapabuti sa immune system.  Sabi naman ni Stephan Gates sa kanyang libro na may pamagat na Gastronaut, mga 44 percent ng mga taong ininterbyu niya ay umaming nakatikim ng sarili nilang kulangot…and they liked it.

Tatapusin ko ang artikulong ito sa makabagbag damdaming quotation na kinopya ko sa internet: It’s not how you pick your nose, it’s where you put that booger, that counts.

AYON

FRIEDRICH BISCHINGER

INNSBRUCK

KULANGOT

PRIVATKLINIK HOCHRUM

SCOTT NAPPER

STEPHAN GATES

UNIVERSITY OF SASKATCHEWAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with