Cat-astrophe
IKINAGULANTANG nang marami ang balitang hindi umano pusa si Hello Kitty. Ang balitang ito ay bunsod ng isang malaking Hello Kitty exhibit na gaganapin sa Oktubre. Ngayong taong ito kasi ang 40th birthday niya. Para ipagdiwang ang birthday niya ay gaganapin ang “Hello! The Supercute World of Hello Kitty!” sa Japanese American National Museum.
Kaya naman nagkaroon ng ganitong pasabog na balita ay dahil si Christine Yano, isang anthropologist mula sa University of Hawaii ay gumawa ng script na nagsasabing si Hello Kitty ay isang pusa. Kinorek siya ng Sanrio, hindi raw ito pusa, kundi cartoon character na batang babae. Paano raw magiging pusa e naglalakad itong nakatayo. Mayroon pa nga raw siyang sariling pet na pusa --- si Charmmy Kitty. Wala pang 24 oras ang nakalipas ay may mga balita namang nagsasabing pusa nga si Hello Kitty. Ano ba talaga?
Hindi mahalaga sa akin kung pusa o tao si Hello Kitty. Siguro para na lang mas masaya tayo, bibigyan ko na lang kayo ng ilang trivia na nakalap ko ukol kay Hello Kitty.
- November 1 ang kanyang birthday. Isa siyang Scorpio.
- Siya ay British.
- Red ang paborito niyang kulay.
- Apple pie ang paborito niyang pagkain.
- Mayroon siyang kakambal, si Mimmy.
- Sina George White at Mary White ang kanyang mga magulang.
- Ang lolo at lola naman niya ay sila Anthoy at Margaret.
- Mahilig siyang mag-bake ng cookies at pancakes, gumawa ng origami, tumugtog ng piano, maglaro ng tennis at mangolekta ng mga laso.
- Napakapalakaibigan niya. Kaya naman ang kanyang paboritong moto ay “You can never have too many friends.”
- Si Charmmy Kitty, ang kanyang pet na pusa ay regalo ng kanyang ama.
- Sugar naman ang pangalan ng kanyang pet na hamster na bigay ng kababata niyang si Dear Daniel.
- Latest