^

Punto Mo

EDITORYAL - Paglilitis kay Palparan dapat bilisan

Pang-masa

NANG madakip ang tinaguriang “berdugo” ng mga militante noong nakaraang Agosto 12, marami ang nasiyahan lalo ang mga kaanak ng mga umano’y biktima ng retiradog heneral. Nahuli si retired general Jovito Palparan ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) at Intelligence Service ng AFP sa isang lumang apartment sa Sta. Mesa, Maynila. Mahaba ang buhok at balbas ni Palparan at tila nanghihina. Malayo sa itsura noong siya pa ang pinuno ng 7th Infantry Division ng Army na nakabase sa Nueva Ecija. Bago namuno sa Central Luzon, nadestino rin siya sa mga probinsiya ng Mindoro at Romblon kung saan maraming pinaghihinalaang NPA ang natagpuang patay. Inakusahan si Palparan ng kidnapping at illegal detention ng dalawang UP students noong 2006. Hanggang ngayon, hindi pa natatagpuan ang dalawang estudyante. Isang witness ang nagsabi na mga sundalo ang dumukot sa dalawang estudyante at kung anu-anong kahalayan ang ginawa sa mga ito habang nakagapos. Itinanggi ni Palparan ang akusasyon.

Nakakulong na si Palparan sa Bulacan Provincial Jail. Noong una ay takot siya sapagkat may banta sa kanyang buhay at maaaring gawin iyon habang siya ay nasa jail. May mga NPA umanong nakakulong sa jail. Hindi naman napigilan ng mga kaanak ng biktimang pinatay ang galit kay Palparan at sumugod sila sa pagkukulungan ng general. May humampas ng placards kay Palparan habang dinadala ito ng NBI sa jail.

Hindi kami naniniwalang takot si Palparan kahit may mga banta sa kanyang buhay sa loob ng jail. Matapang siya at sanay na sa ganito. Maraming beses na siyang tinamaan ng bala at nakaligtas. Paano matatakot ang taong ito?

Ang pinakamabuting magagawa ay madaliin ang paglilitis sa “berdugo” para malaman ang katotohanan. Huwag nang pagtagalin ang paghihintay ng mga kaanak ng pinaslang at ang iba ay nawala.

AGOSTO

BULACAN PROVINCIAL JAIL

CENTRAL LUZON

INFANTRY DIVISION

INTELLIGENCE SERVICE

JOVITO PALPARAN

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NUEVA ECIJA

PALPARAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with