^

Punto Mo

Ang Pianista

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

PINUPROBLEMA ng estudyanteng lalaki ng Stanford University ang pang-tuition. Noong pumasok siya sa first year ay wala siyang tuition. Ganoon kasi sa Stanford noong 1891, walang tuition ang first year. Sumapit ang ikalawa niyang taon sa unibersidad. Kailangan na niyang magbayad ng tuition. Ulila siyang lubos at padamput-dampot lang ng trabaho. Minsan wala, minsan meron. Isang kaklase ang nag-suggest sa kanya na magpa-concert sila sa unibersidad. Kakilala nito ang manager ng magaling na pianista na si Ignacy Paderewski na taga-Poland. Pumayag ang manager ngunit kailangan nilang magbayad muna ng $2000 para sa isang piano recital. Nagpagawa agad  ng ticket ang magka­ibigan at sinimulan nila itong ibenta upang bago sumapit ang petsa ng pagbabayad sa manager ay makalikom na sila ng sapat na halaga.

Sa kasamaang palad ay $1600 lang ang naibenta nilang ticket sa araw ng pagbabayad sa manager. Pinuntahan nila mismo si Paderewski at  nakiusap.

“Sir, narito ang $1600, kulang ng $400 ang pambayad namin sa iyo. May tatlong araw pa namang natitira bago ang concert kaya pipilitin naming ibenta ang lahat ng tiket.”

Ibinalik ni Paderewski ang $1600 sa dalawang estudyante. Sabi nito sa dalawang estudyante : Sa inyo na muna iyan para gamitin ninyo sa inyong pangangailangan. Ikinuwento ng aking manager ang mahigpit ninyong pangangailangan sa pera. Ang matitirang pera ang ibayad na lang ninyo sa akin.

Maraming taon ang lumipas, ang magaling na pianista ay bumalik­ sa kanila sa Poland at nagtrabaho sa gobyerno hanggang sa maging Prime Minister. May isang panahon na sinalanta ng sunud-sunod na kaguluhan sa Poland. Marami na ang namamatay sa gutom. Naisipan ng gobyernong Poland na humingi ng tulong sa US Food and Relief Administration. Noon ay si Herbert Hoover ang kasalukuyang Presidente. Nang marinig na Poland ang nangangailangan ng tulong ay agad  nagpadala ang Presidente ng pagkain at iba pang tulong na hiniling.

Minsang bumisita sa Amerika si Paderewski, personal itong nagpasalamat kay Presidente Herbert Hoover. Napatawa ang Presidente at nagwika: Natatandaan mo na may dalawang estudyante na humingi sa iyo ng tulong noon sa Stanford? Na pumayag kang mag-concert kahit kulang ang bayad. Well, isa ako sa estudyanteng iyon.”

What goes around comes around!

AMERIKA

FOOD AND RELIEF ADMINISTRATION

GANOON

HERBERT HOOVER

IBINALIK

IGNACY PADEREWSKI

PADEREWSKI

PRESIDENTE HERBERT HOOVER

PRIME MINISTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with