^

Punto Mo

Huwag lang Makati

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

MASASABING magandang pagkakataon na ang ginawang pagsilip o imbestigasyon ng Senado sa kinukuwestiyong pagpapatayo ng Makati parking building na nagkakahalaga ng P2.7 bilyon.

At ito ang pinag-ugatan ng pagsasampa ng kasong plunder sa mag-amang sina Vice President Jejomar Binay at Makati Mayor Junjun Binay na umano’y over priced ang nasabing gusali ng P2 bilyon.

Sa paunang imbestigasyon ay may nakitang red flags ang COA na  basehan upang isailalim sa special audit ang gusali.

Anuman ang kahahantungan ng imbestigasyon ay mangi­babaw sana ang kapakanan ng mamamayan dahil pera nila ang pinag uusapan dito. Sana ay walang personalan at pulitika ang mangibabaw sa imbestigasyon at ang tutukan ay kung may matibay na ebidensiya na sobra-sobra ang presyo sa halaga ng gusali at kung ito ba ay ibinulsa ng mag-amang Binay.

Ang tinutumbok ngayon ng imbestigasyon ay mula na naman sa hanay ng oposisyon at sana naman ay imbestigahan din ang iba pang siyudad tulad sa alegasyon sa Taguig City na mayroon din umanong anomalya sa proyekto batay sa iniharap na reklamo sa Ombudsman.

Bukod sa Taguig ay sampolan din ng pag audit ng COA at pag iimbestiga ang mga malalaking proyekto sa Quezon City kahit walang nagsampa ng kaso. Ituloy din naman ng senate blue ribbon committee ang imbestigasyon sa Malampaya Funds upang hindi mahusgahan na pawang nasa oposisyon lang ang naunang tinumbok sa PDAF scam.

Matapos kasi na maipakulong ang tatlong senador na sina Juan Ponce Enrile, Bong Revilla at Jinggoy Estrada ay parang natigil ang imbestigasyon. Parang wala nang susunod pa na masasampahan ng kaso na may kinalaman sa anomalya sa PDAF at Malampaya.

Batay na rin sa resulta ng survey ng Pulse Asia ay naniniwala ang maraming mamamayan na hindi naging patas ang imbestigasyon ng Senado sa pork barrel scam dahil ang napag-initan lang at direktang kinasuhan ay ang tatlong senador mula sa oposisyon.

Sana naman ay imbestigahan na ang lahat na dapat imbestigahan at kasuhan ang dapat kasuhan upang mapanagot kung nagkasala sa batas lalo na ang paglustay sa pondo ng bayan.

 

vuukle comment

BONG REVILLA

IMBESTIGASYON

JINGGOY ESTRADA

JUAN PONCE ENRILE

MAKATI MAYOR JUNJUN BINAY

MALAMPAYA FUNDS

PULSE ASIA

QUEZON CITY

SANA

SENADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with