Protina!
USONG-USO ngayon ang mga vegan at vegetarian. At para yumaman at lumawak ang inyong kaalaman sa mga pagkaing mayaman sa protina, basahin ninyo ang sumusunod:
1. Tokwa — ang mga pagkaing gawa sa soybeans ang may pinakamataas na bilang ng protina. Ang kalahating tasa ng tokwa ay mayroong 15-20 na gramo ng protina.
2. Garbanzos — 15 grams of protein sa kada isang tasa! Napakataas ng protina at taglay na fiber ngunit mababa sa calories!
3. Beans —lahat nang beans ay may mataas na lebel ng protina. Ang dalawang tasa ng kidney beans ay may 26 grams of protein! Kalahati ng recommended sa isang araw!
4. Green Peas — ang isang tasa nito ay mayroong 8 gramo ng protina, katumbas ng isang basong gatas!
5. Mani — nagtataglay nang mataas na lebel ng healthy fats at protina. Hinay lang dahil mataas din ang calories.
6. Quinoa — isang uri ng seed na may 8 gramo ng protina kada cup! May 9 amino acids na kailangan ng katawan.
7. Madahong gulay — may antioxidants at fiber. Ang dalawang tasa ng spinach ay may 2 gramo ng protina. Ang isang tasa ng broccoli ay may 8 gramo naman ng protina.
8. Chia seeds — May 5 gramo ng protina kada dalawang kutsara! Maaaring ihalo sa kahit anong pagkain — salad, oatmeal, gatas etc.
9. Soy milk — May 8 gram ng protein kada baso at 100 calories lamang!
10. Unsweetened Cocoa Powder! — May 1 gramo ng protina sa kada isang kutsara ng cocoa powder.
- Latest