^

Punto Mo

8 Pagkaing Nagpapaalala ng Aking Kabataan

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

3. Kalikot o Sundot-Kulangot

Kalikot sa amin sa Laguna pero sundot-kulangot ang tawag sa ibang probinsiya, halimbawa sa Baguio. Ito ’yung pulot na nakalagay sa maliit na kawayan na kailangan mong sundutin o kalikutin ng isang maliit na patpat para makuha sa maliit na kawayan. Paghugot ng patpat mula sa kawayan ay bubungad sa iyo ang nakadikit na pulot at iyon ang aking sisipsipin. Hindi ko maipaliwanag ang sarap ng kalikot na ito. Kapag bumibili ako ng kalikot, inililihim ko ito sa aking ina. Pinapagalitan kasi ako. Walang kuwenta raw ang pinagbibibili kong pagkain. At saka di ba raw ako natatakot na baka masalubsob ng patpat ang aking dila habang dinidilaan ko ang pulot.

Lihim lang akong umiirap kapag pinagsasabihan ako. Sa loob-loob ko lang: Bakit ba lahat ng masarap sa akin ay bawal kong bilhin — Texas bubble gum (dahil hindi raw nakakabusog), palamig (baka marumi), popsicle (baka rin marumi), tira-tira (nakakasira ng ngipin). Walang tiwala ang nanay ko sa itinitindang popsicle dahil ito ’yung nasa ice box na yari sa kahoy at inilalako sa kalye. Kung may dirty ice cream, ito naman ang dirty popsicle.

Ngayong matanda na ako, ang lasa ng kalikot ay naihalintulad ko sa molasses­. Pero noong bata pa ako, naihahalintulad ko ang lasa ng kalikot sa pulot na ipinapakain sa  kabayo.

4. Lawa-lawa

Lawa-lawa ang tawag namin sa cotton candy. Hindi naman ipinagbabawal sa akin ni Nanay pero ako na ang kumokontrol sa aking sarili. Mahal ito kumpara sa kalikot at tira-tira. Kung hindi ako nagkakamali parang 10 sentimos ang isa tapos nabibitin pa ako.

5. Palutong

Tawag namin sa kropek na malapad na approximately ay 2” x 4”. Singko sentimos ang isa o dalawa singko yata. Pero wala itong flavour. Sitsaron na gawa sa harina at asin lamang. Paminsan-minsan lang ako bumibili nito. Hindi ko masyadong type.

 

AKO

BAKIT

KALIKOT

KAPAG

LAWA

LIHIM

PERO

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with