^

Punto Mo

T-shirt na hindi nababasa at nadudumihan, naimbento sa Australia

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG kompanya sa Melbourne, Australia ang nakaimbento ng isang t-shirt na hindi na kailangan pang labhan dahil gawa ito sa isang uri ng tela na hindi nababasa o nadudumihan.

Ang kompanyang Threadsmiths ang nakaimbento ng kakaibang t-shirt. Ilang beses na nilang tines­ting ang kanilang bagong produkto. Binuhusan nila ng softdrinks at pinasingawan ngunit hindi talaga kuma­kapit dito ang tubig o mantsa.

Ayon sa mga nakaim­ bento ng t-shirt, super hydrophobic ang telang ginamit nila kaya sa halip na ito’y sumipsip ng tubig at mabasa ay gumugulong lamang ang mga patak ng tubig dito. Hindi rin kumakapit sa t-shirt ang mga mantsa, na kailangan lamang punasan upang mawala.

May iba nang naimbentong t-shirt na hindi rin nababasa ngunit hindi pumatok ang mga ito dahil pagkatapos ng ilang beses na mabasa ay nagiging pangkaraniwang t-shirt na lamang ang mga ito na nababasa at sumisipsip ng tubig. Ang t-shirt na ginawa ng Threadsmiths ay pangmatagalan dahil hindi basta-basta nawawala ang bisa ng tela nito laban sa tubig.

Sa ngayon, t-shirt pa lamang ang ibinebenta ng kompan­ya ngunit pinag-iisipan na rin nila ang paggawa ng ibang produkto mula sa na­imbentong tela.

AYON

BINUHUSAN

ILANG

SHIRT

SHY

THREADSMITHS

TUBIG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with