^

Punto Mo

Nagtatalak si Aling Tessie

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH report: Panandaliang nagsara ang sakla-patay ni Lucy Santos sa Caloocan City matapos dalawang beses na pinasok ng RPIOU ng NCRPO ang bahay niya sa Navotas. Subalit lumutang si RB alyas Boy Arson at tinakot si Col.Olivar, ang hepe ng RPIOU, kaya hayun, bukas na naman si Lucy. Hindi makapag-operate si Lucy ng sakla-patay niya sa Navotas dahil pinapagpag siya ni UNA spokesman Rep. Toby Tiangco. Kaya ang ginawa ni Lucy sa Caloocan siya nagbukas at ginamit pa na front ang tauhan niya na si Poleng para hindi sila mahalata ni Mayor Oca Malapitan, na miyembro rin ng UNA. Sa ngayon, pakuya-kuyakoy na lang si Lucy dahil alam niya di na siya kayang ipatigil ni Olivar dahil sa sobrang takot nito kay Boy Arson. Paging NCRPO chief Dir. Carmelo Valmoria Sir! Pakisampolan mo nga si Lucy at nang matanggal ang hangin sa katawan n’ya!

• • • • • •

Naghihiyaw sa galit si Tessie Rosales dahil sa pagkabulgar ng meeting nila ni Capt. Mike Blanco, na nagpakilalag bagman ni Chief Supt. Danilo Pelisco, ang senior police assistant ni DILG Sec. Mar Roxas. Sinabi ng mga kosa ko na nagtataka si Aling Tessie kung bakit nadidiyaryo siya e may parating naman siya sa media. Si Aling Tessie mga kosa ang kumukubra ng parating sa media sa Calabarzon area at weekly kung mag-remit siya. Bueno, ang parating n’ya kay RB o Boy Arson ay dumadaan sa isang lady editor, ayon kay Aling Tessie, kasama na rito ang para kay alyas Bordado na P5,000 weekly. Itong si RB o Boy Arson mga kosa ang tinatawag na “national,” dahil dumadaan sa kanya ang parating sa media mula sa mga gambling lords sa Luzon, Visayas at Mindanao. Pinalitan ni RB o Boy Arson ang nasirang si Delfin Gener alyas Boy Tangkad. Nakilala kasi ni RB o Boy Arson ang mga gambling lords sa paborito n’yang sports na sabong. Ang problema lang, mukhang hindi nakarating ang mga payola sa media kaya hayan nagtatalak si Aling Tessie. Hehehe! Gets n’yo mga kosa?

Kung sabagay, may katwirang magalit si Aling Tessie. Maliban sa may payola siya sa media, nagbanta pa ang grupo ni Blanco na ipari-raid ang mga puwesto niya kapag lumabas ang miting nila sa diyaryo. Sa ngayon kasi, ang mga puwesto ng perya o color games ni Aling Tessie sa Calabarzon ay sa Rosario, Taysan, Lemery, at Padre Garcia sa Batangas; sa Nagcarlan, Bay at San Pablo City sa Laguna; sa likod ng Andok’s sa Batangas City at sa Silang, Cavite. Hamakin n’yo kapag itinuloy ni Blanco ang banta n’yang raid malaking halaga ang mawawala kay Aleng Tessie, di ba mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Subalit paano makapag-raid si Blanco eh sa tingin ng mga kosa ko peke o hao-shiao siya? Ang mga ka-tropa naman ni Blanco na sina Ryan Alvarez ay dismissed police ng Quezon City habang sina Jay Mendoza ng Sto. Tomas, Batangas at Rico Posadas ay mga sibilyan. Siguro para makapag-raid sila, dapat hatakin ni Blanco si Pelisco o dili kaya’y si Roxas para malakas ang dating nila. Itong sina Pelisco din kaya at Roxas ang magpi-file ng kaso kapag nahuli nina Blanco at mga peryahan o color games ni Aling Tessie? Hahaha! Comedy pala ang lakad ni Blanco at tropa niya di ba mga kosa? Baka naman ang mga tauhan ni Col. Goygoyon ng ATCD ng CIDG ang gagamitin ni Blanco? Kung sabagay, pera-pera lang ‘yan di ba Mam Tessie? Abangan!

 

ALENG TESSIE

ALING

ALING TESSIE

BATANGAS

BLANCO

BOY ARSON

SIYA

TESSIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with