^

Punto Mo

EDITORYAL - Pinakikinggan ba ang mga ‘boss’?

Pang-masa

SA unang SONA ni President Aquino noong Hulyo 26, 2010, sinabi niya sa huling talata ng kanyang talumpati na puwede na raw mangarap ang mga Pilipino. Hinikayat pa niya ang mamamayan na magtungo sa katuparan ng mga pangarap. Ang ganda ng ibig niyang sabihin at talagang mahihikayat ang bawat isa na mangarap at mag-asam pa nang labis. Kapag sinabing puwede nang mangarap, ibig sabihin wala nang mga hadlang o anupa mang balakid sa buhay ng mamamayan. Malinis na ang landas. Wala nang maghihirap o magugutom. Lahat ay maaari nang makatulog nang mahimbing sa gabi. Lahat ay makapaglalakad nang ligtas sa kalye nang walang alinlangan. Makatitiyak din na wala nang mga kawatan na magpapasasa sa pera ng taumbayan. Pero, nakakalimang SONA na siya at nananatiling wala pang katuparan ang mga pangarap ng tinawag niyang mga “boss”.

Noong nakaraan niyang SONA (Hulyo 28, 2014) muli na naman niyang binanggit ang kanyang mga “boss” sa kanyang talumpati. Sabi niya, “Mga Boss, kayo po ang gumawa ng transpormasyong ating tinatamasa. Kayo ang susi ng pagpapatuloy ng lahat ng positibong pagbabagong naabot natin. Buong-buo ang tiwala ko, nasa eksena man ako o wala, tutungo ang Pilipino sa tama niyang kalalagyan.”

Sana nga ay pinakikinggan niya ang kanyang mga “boss” at wala siyang susundin kundi ang mga ito. Sana ay maging matimbang sa kanya ang kalagayan ng mga boss na patuloy na nangangarap at umaasam na magbabago ang buhay.

Sana nga ay ang boss lamang niya ang tanging pakikinggan at hindi ang iilan na may pansariling hangarin. Sana nga sundin niya ang sama-samang sumbong ng kanyang mga boss.

Kamakalawa, sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na handa raw si P-Noy na pakinggan ang kanyang mga boss sa iba’t ibang isyu, kabilang na ang mga nagtutulak na tumakbo siya sa ikalawang pagkakataon.

Ito nga kaya ang sinasabi ng mga boss? Puwede ba ito sa Konstitusyon? Ganunman, hindi muna ito ang dapat pag-usapan. Mas mahalagang marinig ang sinasabi ng mga boss kaugnay sa hindi makayanang hirap ng buhay. Pagaanin ang buhay ng mga boss, hanguin sila sa kumunoy ng kahirapan. Kapag nangyari baka maari na silang mangarap.

BOSS

HULYO

KAPAG

LAHAT

MGA BOSS

NANG

PILIPINO

SANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with