^

Punto Mo

Mga Nakakaintrigang Istorya ng Buhay

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

…ng mga celebrities na hindi dapat tularan:

 

Laura Bush

Ang dating first lady at misis ni US President George W. Bush ay kaska­serang drayber noong 17 taong gulang pa lang. Sa sobrang bilis magpatakbo, binangga niya ang stop sign, pagkatapos ay sumasagitsit na binangga ang sasakyan ng kanyang kaibigan na nauuna sa kanya. Ang kaibigang binangga niya na si Michael Dutton Douglas na nagmamaneho ng Chevrolet Corvair ay agad na namatay dulot ng nabaling leeg. Hindi na nga nakilibing, hindi pa humingi ng sorry sa mga magulang ng kaibigan. Inilihim ito ni Laura sa kanyang mga anak. Nadiskubre lang ang sekreto niya noong unang beses na kumandidatong presidente si George W. Bush. Siyempre kapag lumusong ka sa karagatan ng pulitika, lahat ay kakalkalin kasama na ang baho ng pamilya ng kandidato.

 

Dr. Seuss

Siya ang sikat na author ng mga pambatang libro kagaya ng The Cat in the Hat. Ang misis niya na si Helen ay manunulat din pero nagkaroon ng cancer kaya tumigil na sa pagsusulat. Palibhasa ay may sakit, hinanap ni Dr. Seuss ang kaligayahan sa kandungan ng mas batang babae. Natuklasan ito ni Helen at sa sobrang sama ng loob ay nagpakamatay ito. Ilang buwan matapos ilibing ang asawa, na marahil ay hindi pa naaagnas nang todo ang bangkay, agad pinakasalan ni Seuss ang kabit.                                             (Itutuloy)

CHEVROLET CORVAIR

DR. SEUSS

GEORGE W

ILANG

LAURA BUSH

MICHAEL DUTTON DOUGLAS

PRESIDENT GEORGE W

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with