^

Punto Mo

Kotseng gawa sa Lego, pinaandar sa Australia

- Arnel Medina - Pang-masa

ANG kauna-unahang life-sized na kotseng gawa sa Lego sa buong mundo ay pinatakbo sa Melbourne, Australia kama­kailan. Sa kabila na gawa ito sa laruan, kayang-kaya nitong tumakbo at magsakay na ka­tulad ng isang pangkaraniwang sasakyan.

Ang kotseng gawa sa Lego ay binuo ni Raul Oiada mula sa kalahating milyong piraso ng nasabing laruan.

Nagsimula ang proyekto ni Raul sa Internet kung saan ginamit niya ang social networking site na Twitter upang makapagkalap ng suporta at pondo para sa noo’y plano pa lamang na pagbuo ng kauna-unahang kotse na gawa sa Lego.

Naging epektibo ang ginawa ni Raul dahil nasa 40 mamumuhunan ang naengganyo sa kanyang proyekto at nagbigay ng mga halagang mula $500  hanggang $1000.

Ang mga gulong lamang na gawa sa goma ang tanging parte ng kotse na hindi gawa sa Lego. Ang makina nito ay binubuo ng mga pi­raso ng laruan. Kaya nitong magsakay ng dalawang tao at tumakbo sa bilis na 30 kilometro bawat oras.

Si  Raul ay matagal nang kilala sa kanyang mga nililikhang imbensyon katulad ng ginawa niyang ‘steam engine’  o makina na tumatakbo sa pamamagitan ng singaw ng tubig noong siya ay nasa high school pa lamang. Nakalikha na rin siya ng isang motorsiklo na may makinang pang-eroplano.

Ayon kay Raul, hindi siya titigil sa kanyang kotseng Lego at lilikha pa siya nang marami pang ibang kakaibang im­bensyon sa hinaharap.

AYON

GAWA

KAYA

LEGO

NAGSIMULA

NAKALIKHA

RAUL

RAUL OIADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with