Pagpapasuso
MAHIGIT tatlong taong gulang na si Gummy ngunit hindi pa rin siya maawat sa pagsuso (breastfeeding) sa akin. Hindi ko ito ikinakahiya. Ipinagmamalaki ko pa nga dahil ang pinakamasustansiyang gatas ang ibinibigay ko sa kanya. Bagamat siya ay umiinom na ng fresh milk mula ng siya ay mag-isang taon, madalas ay sa aking dibdib pa rin siya sumususo. Ipinagmamalaki ko na painumin siya ng sarili kong gatas.
Hindi madali ang magpasuso. Masakit at nakaka-depress sa simula, lalo na kapag hindi pa dumadating ang gatas. Pero dahil sa aking pananaliksik noong ako’y nagdadalantao pa lamang at sa suporta ng aking pediatrician na si Dra. Chen, unti-unti ay na-master ko ang pagpapasuso.
Sa pagsilang ng iyong anak, mahalagang isubo at ipa-suckle kaagad sa kanya ang nipple. Ang sikreto sa pagpapasuso ay ang madalas na pagpapa-suckle sa sanggol. Kapag mas madalas ito, kahit wala ka pang gatas, mabilis itong darating. At kapag naman dumating na, mas marami kang mapo-produce. Maging sa breastfeeding ay may supply and demand. Ang anak mo (demand) at ang dalas ng kanyang pag-suckle ang siyang nagdidikta ng dami ng gatas mo (supply). The more you feed, the more milk you will produce.
Ang unang lalabas na milk ay ang tinatawag na colostrum. Halos dalawang kutsarita lamang ang total ng dami nito bawat araw. Sa first few days of life ng iyong anak, ang pre-milk na ito ang kanyang source of nutrition. Ang colostrum, bagamat kaunting-kaunti lamang ay mayaman sa protina at may antibodies ng ina na naipapasa sa anak para lumakas ang immune system nito. Matapos ang lima hanggang pitong araw, saka pa lamang darating ang tunay na gatas. Sa pagpapasuso sa anak, natutunan kong maging patient sa pagdating ng gatas. Huwag mag-alaala kung mistulang kaunti lamang ang naibibigay mo, dahil believe it or not, ito lamang din ang kailangan niya.
Matapos ang colostrum, saka darating ang iyong mature milk na tinatawag. Ito na talaga ang breastmilk. Sa pagpapasuso, mahalagang sairin ang laman ng bawat suso nang sa gayon ay umabot ang anak sa panghuling gatas. Mayroon kasing foremilk o ang unang naiinom. Ito ay mataas sa tubig at sugar kaya nakakabusog kaagad. Ngunit mas mahalaga ang nasa bandang huli dahil narito ang sustansiya.
Napakasarap ng pakiramdam na ang mismong ina ang “nagpapakain” sa anak. Balewala ang sakit dahil para ito sa ikabubuti at ikalulusog nila. Kung ikaw ay isang breastfeeding Mom, be proud!
- Latest