^

Punto Mo

‘Paghuhuli ng lasing sa lansangan’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

ISTRIKTONG ipinatutupad sa mga mauunlad na bansa tulad sa Estados Unidos ang paghuli sa mga lasing na motorista sa lansangan.

Tinatawag nila itong driving under the influence o DUI kung saan pagewang-gewang o wala sa tamang linya sa kalsada ang drayber ng sasakyan. Ang mga nagrorondang police patrol officer sa bawat sektor ang mga nagbabantay.

Sinuman ang mga maiispatang DUI agad nila itong isinasailalim sa field sobriety test upang matiyak ang kalagayan ng drayber.

Gamit ang breath analyzer natutukoy ang lebel ng blood alcohol concentration ng sabjek mula sa kaniyang hiningang ibinuga sa tubo ng parapernalya.

Ito ang taon-taong idino-dokumento ng BITAG sa bansang Amerika partikular sa State of California.

Sa Pilipinas, matagal nang nag-iingay ang Land Transportation Office (LTO) sa paghuli ng mga lasing sa lansangan subalit ngayon palang sila nagpa-planong bumili ng mga kagamitan.

Alinsunod daw ito sa bagong batas na RA 10586 o ang Anti-drunk and Drugged Driving Law.  Hindi pa malinaw kung papaano at kung sino ang magpapatupad ng nasabing batas sa lansangan.

Hamon ng BITAG sa mga awtoridad, dapat postehan ang mga lugar tulad ng bar, gimikan, restobar at mga tambayan ng mga lasenggo partikular tuwing ka­tapusan ng linggo o “weekend.”

Dapat mga pulis din o law enforcement agencies ang magpapatupad ng batas hindi ang mga nakatalagang traffic enforcer.

Panoorin kung papaano ipinatutupad ng mga pulis ang batas sa bansang Amerika. Log on, bitag-theoriginal.com click “PINOY-US COPS.”

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga­ sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV.

 

vuukle comment

ABANGAN

AMERIKA

DRIVING LAW

ESTADOS UNIDOS

LAND TRANSPORTATION OFFICE

SA PILIPINAS

STATE OF CALIFORNIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with