^

Punto Mo

Si Erap at VK operators

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

SINO kaya sa video karera operators na sina Buboy Go at Gina Gutierrez ang babasbasan ni Manila Mayor Erap Estrada para solong mag-operate sa siyudad niya? Umikot ang katanungang ito matapos magkabangga sa bidding war sina Buboy at Gina para sa basbas ni Erap ukol sa illegal na negosyo nila. Sinabi ng mga kosa ko na si Buboy ang unang nag-bid ng P1.5 milyon para kay Erap. Siyempre, kapag tinanggap ni Erap ang alok ni Buboy, ibig sabihin n’yan itsa-puwera na ang mga makina, hindi lang ni Gina kundi pati iba pang video karera operators tulad ni Adyong, na ang sentro ng operations ay sa Isla Puting Bato, Parola at Baseco sa Tondo. Pero hindi pumayag si Gina na basta ganun na lang siya mawala sa sirkulasyon at tinapatan ang P1.5 milyon na alok ni Buboy. Ayon sa mga kosa ko, naiparating na kay Erap ng middleman na si Chief Insp. Bernabe Irinco, ang commander ng City Hall detachment, ang P1.5 milyon na alok nina Buboy at Gina. Hehehe! ‘Wag kayong kumurap mga kosa at malapit nang ilabas ni Erap kung sino ang mahal n’ya kina Buboy at Gina.

Kaya tama lang ang puna ng mga kosa ko na hindi lang milyones ang kita ng VK operators at kaya na nilang bilhin, hindi lang ang mga pulitiko kundi pati ang kapulisan at opisyales ng gobyerno, na haharang-harang sa kanilang negosyo. Kasi nga mga kosa, hindi lang si Erap at Irinco ang makikinabang sa sistemang gusto nina Buboy at Gina kundi maging sina retired Gen. Robert Calinisan at MPD director Chief Supt. Rolando Asuncion. Hindi naman tiyak papayag sina Calinisan at Asuncion na barya lang ang tatanggapin nila samantalang maliwanag pa sa sikat ng araw na kayang magpaluwal nang malaking pitsa ang VK operators, di ba mga kosa? Isama ko na ang station commanders ng MPD, ang CIDG, IG, NCRPO, DI, NBI, GAB at iba pa kaya maliwanag na malaking gastusin itong pinasok nina Buboy at Gina. Subalit pinasok nila ito, kaya pangangatawanan na nila. Dahil sa sobrang laki ng kinikita ng VK operators, kaya nilang maglabas ng milyones para itapal sa mukha ng mga pulitiko, kapulisan at opisyales ng ating gobyerno, di ba mga kosa? Hindi lang pala sa basura may pera kundi maging sa video karera, di ba mga kosa? Hehehe! Kaya pala libu-libong makina ang nagkalat hindi lang sa Metro Manila kundi sa buong bansa!

Kaya sa ngayon, si Adyong at iba pang maliliit na VK operators na karamihan ay mga pulis, ay nakamasid kung sino kina Buboy at Gina ang babasbasan ni Erap. Sa suma-tutal kasi, hindi naman maiiwan sa kangkungan sina Adyong at maliliit na VK operators dahil puwede silang mag-umbrella sa sinumang mananalo sa bidding. Sa ganitong sistema kasi, iisa na lang ang kausapin ng mga operating units para hindi magugulo ang tabakuhan. Pag nagkataon, sina Adyong at iba pang maliliit na VK operators ay sa mananalo na mag-aabot ng kanilang lingguhang intelihensiya. Kaya tuloy din ang ligaya ni Adyong at mga kasama n’ya, di ba mga kosa? Subalit kapag dumami naman ang nakalatag na makina sa Maynila, tiyak tataas din ang bilang ng kriminalidad at si Asuncion at station commanders niya ang sisisihin at hindi si Erap na nagkamal ng milyones sa VK operators, di ba mga kosa? Abangan!

 

ADYONG

BUBOY

ERAP

GINA

KAYA

KOSA

LANG

OPERATORS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with