^

Punto Mo

Trapik mas titindi!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Asahan na sa mga sususnod na araw lalong titindi ang trapik sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Ito ay dahil sa mga pabagu-bagong mga desisyon partikular ng LTFRB.

Sakit ngayon ng ulo ng MMDA, dahil halos sabay-sabay ang kailangan nilang bantayan, bukod ang mga konstruksyon naman ng DPWH, nand’yan pa ang biglang pag-aalis sa truck ban ng LTFRB.

Ang siste, mukhang sa mga konstruksyon at bagong patakaran ng dalawang nabanggit na ahensiya eh hindi yata nakonsulta ang MMDA.

At kapag tumindi naman ang trapik sa mga lansangan at nag-alboroto ang mga motorista siguradong ang bunton ng galit eh sa MMDA at hindi sa kanila.

Dapat sana bukas ay isasara ang Sucat Interchange dahil sa gagawing repair ng DPWH, pansamantala itong pinigil matapos na umalma ang MMDA dahil sa hindi pa umano napag-aaralan ang mga ruta na pansamantalang daanan ng mga motorista dahil sa lilikhain nitong matinding trapik.

Ayon nga sa MMDA mas lalo itong magpapatindi sa trapik sa lugar dahil na rin sa sasabay ito sa isinasagawang konstruksyon ng Skyway Stage 3. Maging ang pamahalaang lungsod ng Parañaque ay hindi rin pala naabisuhan ng DPWH.

Sasabay pa rin ang ginagawang konstruksyon o repair sa Magallanes Interchange.

Eh di lalo nang nagkabuhul-buhol ang trapiko nang mag-isyu ng bagong truck issuance ang LTFRB simula noong Hulyo 25.

Lumitaw nga raw sa mismong araw na tumaas ng 80.67 percent ang volume ng mga truck na dumaan sa may Katipunan Avenue na lumikha ng matinding trapik.

Lumobo ito  sa 14,380 na nagresulta ng matinding trapik at domoble umano kumpara sa nakaarang taon na nasa 7, 959 bilang lamang  ng mga truck na dumadaan  nang pinatutupad pa ang truck ban.

Hunyo 27, 2014 nagpalabas ng direktiba ang LTFRB ukol sa pagpapatupad ng  “no apprehension policy” sa lahat ng  trucks for hire na nakadagdag din sa matinding trapik.

Ang nabanggit umanong hakbang ng LTFRB ayon kay Tolentino ay lalo pang nagpalala sa sitwasyon ng trapiko sa Metro Manila dahil ang mga truck ay isa sa pangunahing nakadagdag sa pagsikip ng trapik lalo na pagdating ng rush hour.

Una na ring nagkabanggan ang MMDA at LTFRB kaugnay naman sa ipinalabas na memorandum circular ng LTFRB na kung saan  muling pinapayagan ang mga provincial bus na may terminal sa Metro Manila na dumaan sa EDSA.

Kaya nga ang mga motorista maghanda na kayo, panibago itong kalbaryo.

ASAHAN

DAHIL

KATIPUNAN AVENUE

LTFRB

MAGALLANES INTERCHANGE

METRO MANILA

SKYWAY STAGE

SUCAT INTERCHANGE

TRAPIK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with