^

Punto Mo

Tumor

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

ISINUGOD sa ospital ang aking bunsong kapatid dahil sa matinding sakit ng ulo, pangkahilo at pagsusuka. Akala talaga niya ay mamamatay na siya. Binigyan siya ng gamot, oral at injection ngunit walang tumalab. Lalo kaming nangamba kung kayat ipina-CT Scan namin siya. Negative naman ang resulta. Wala namang nakitang kakaiba. Subalit hindi pa rin tumatalab ang mga gamot kaya minarapat naming isailalim na siya sa MRI. Doon nakita ang tumor.

Para akong binuhusan nang malamig na tubig. Tumor, kanser, malubha, kamatayan, chemotherapy. Iyon ang mga naglaro sa aking isipan. Subalit imbis na mag-alala ay minarapat kong magdasal. Iniangat ko sa Diyos ang aking kapatid. Hiniling kong sana ay ibigay niya ang medical case ni Alison sa kamay ng tamang propesyunal na matututukan at magiging daan sa ganap nitong paggaling.

Matapos ang ilang araw ng medikasyon at obserbasyon, inilabas na ang kapatid ko sa ospital. Walang biopsy o ni operasyong ginawa sa kanya.

Ang tumor sa kaniyang utak ay tinatawag na pituitary adenoma na 10% natin ang maaaring mayroon din nito. Non-cancerous naman ang tumor na pinakamahalagang impormasyong ikinaluwag ng aming dibdib. Kung ano ang sanhi ng pagtubo ng tumor, ay wala pang nakakaalam hanggang ngayon. Ngunit ang mga sumusunod ang mga sintomas na nararapat na obserbahan ay pananakit ng ulo, problema sa paningin, kakaibang menstrual cycle sa mga babae, mood swings at biglang pag-iba ng ugali, erectile dysfunction sa mga kalalakihan at kapansin-pansing pagbabago sa timbang.

Iba’t iba rin ang mga lunas medikal na maaaring gawin sa mga indibidwal na may pituitary adenoma. Mayroong pinapayuhan lamang ng doktor na patuloy na obserbahan ang kanilang pananakit ng ulo at regular na check-up upang mamonitor ang pagbabago sa size ng tumor sa pamamagitan ng taunang MRI, laboratory tests, visual exams. May mga iba namang nireresetahan ng gamot at may mga kailangan tala­gang sumailalim sa ope­rasyon. Karaniwang pinadadaan ang tumor sa ilong, na tumatagal ng 2-4 na oras lamang at walang ibang kailangang hiwang gawin sa mukha o mismong ulo. Panghuli, mayroong mga kasong kinakailangan ng radiation na madalas sa mga natanggal nang tumor ngunit bumalik muli.

Hindi pa matukoy ang tunay na dahilan ng pagkakaroon ng pituitary adenoma. Sadyang internal at sa lebel ng mga hormones at cells pa lamang ang alam na sanhi. Ngunit ang external and lifestyle factors ay hindi pa nadidiskubre.

Nais ko na ring gamitin ang pagkakataong ito upang magpasalamat sa 88,000 Instagram followers ko na ipinagdasal ang aking kapatid. Hinihiling kong patuloy lamang ang inyong pagdarasal para sa kanya. Intercessory prayer works! Thank you Lord!

vuukle comment

BINIGYAN

DIYOS

HINIHILING

HINILING

INIANGAT

NGUNIT

SUBALIT

TUMOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with