^

Punto Mo

Lalaki, na-trap ng 4 na araw sa freezer, nakaligtas!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 23-anyos na lalaki sa Vietnam ang himalang nakaligtas matapos ma-trap sa loob ng isang malaking freezer sa loob ng apat na araw.

Si Mai Thanh Sang ay nagtratrabaho sa isang restaurant na ang specialty ay seafood kaya mayroon ditong napaka-laking freezer upang mapanatili ang pagiging sariwa ng isda at iba pang lamandagat. Ka-singlaki ng isang warehouse ang freezer na may lawak na 3,000 square meters.

Isang araw, naglilinis si Sang sa loob ng freezer kasama ang ilan niyang katrabaho nang biglang bumigay ang ilang malalaking istante na pinaglalagyan ng mga pagkain. Nadaganan si Sang ng isa sa mga istante. Siya lamang ang tanging nadaganan.

Inakala ni Sang na katapusan na niya nang ma-trap siya sa loob ng freezer na may nag-ye­yelong temperatura na -22 degrees Celsius. Sa sobrang lamig sa loob ay agad siyang nakaramdam ng paninigas ng kanyang katawan kaya naman mas lalo siyang hindi nakagalaw mula sa pagkakadagan ng istanteng bumagsak sa kanya.

Ang pagsipsip lamang ng natunaw na tubig mula sa mga yelo sa kanyang paligid at ang pag-asang makikita niyang muli ang kanyang mag-iina ang tanging nagbigay ng lakas kay Sang upang mabuhay.

Kahit nasa 100 ang rescue workers na naghanap sa kanya ay inabot pa rin ng apat na araw bago nailigtas si Sang mula sa pagkaka-trap sa loob ng freezer.  Bagama’t nasa malubhang kondisyon ang kanyang katawan dahil sa pagkakababad sa yelo, sinabi ng mga doktor na ligtas na ito at makakapagpagaling nang lubusan.

BAGAMA

FREEZER

INAKALA

ISANG

KAHIT

LOOB

NADAGANAN

SANG

SI MAI THANH SANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with