^

Punto Mo

Misteryosong ilog sa china, kulay dugo ang tubig!

- Arnel Medina - Pang-masa

NAGTATAKA ang mga residenteng nakatira ma­lapit sa isang ilog sa China nang bigla na lamang magkulay dugo ang tubig nito. Ang ilog ay nasa siyudad ng Wenzhou.

Isang umaga, nagising na lamang ang mga residente nang makitang pula ang tubig na umaagos sa ilog.

Isa sa mga nakakatandang residente sa Wenzhou   ang nagsabi na sa buong buhay niya, ngayon lamang niya nakitang naging kulay dugo ang ilog.

Hindi naman maisisi sa polusyon ang nangyari sa ilog dahil walang mga kalapit na pabrika na maaring magtambak ng mga kemikal na magdudulot ng kontaminasyon sa tubig.

Nagpadala ang pamahalaan ng China ng mga opisyal na magsusuri sa tubig upang malaman ang dahilan ng pagiging kulay dugo nito.

Hindi ito ang unang insidente sa China na ang isang ilog ay biglang magkulay dugo. Kapareho rin ito ng nangyari sa Yangtze river noong 2012. Sa pagkakataong iyon, isinisi sa mga inanod na buhangin ang pagkakaroon ng kakaibang kulay ng tubig sa nasabing ilog.

DUGO

ILOG

ISA

ISANG

KAPAREHO

NAGPADALA

TUBIG

WENZHOU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with