^

Punto Mo

Pagkahilo: Ano ang sanhi nito?

MD - Dr. Willie T. Ong - Pang-masa

MARAMING dahilan ang pagkahilo. Kadalasan ay hindi naman delikado ito. Pag-usapan natin ang mga pangkaraniwang sanhi ng pagkahilo.

1. Problema sa mata – Kung malabo na ang iyong mata, puwede­ kang mahilo sa pagbabasa. Kung madalas mag-computer, nakahihilo rin. Dapat ay ipahinga ang mata at tumingin sa malayo para marelaks ito. Magpagawa ng salamin o dili kaya’y baguhin na ang grado ng salamin.

2. Problema sa tainga – Isa pang pangkaraniwang dahilan ng pagkahilo ay ang sakit sa tainga. Nasa tainga kasi natin ang vestibular system kung saan nagmumula ang pakiramdam natin sa balanse at paggalaw. Kung may dumi o impeksiyon sa tainga, puwede itong magdulot nang matinding pagkahilo (vertigo). Ang gamot dito ay ang meclizine 25 mg tablet (Dizitab, Bonamine). Ang ganitong hilo ay tumatagal ng mga isang buwan bago humupa.

3. Presyon ng dugo – Kung ika’y may high blood, puwede kang mahilo at manakit ang iyong batok. Kung ikaw naman ay low blood, anemic at maputla, puwede ka ring mahilo. Dapat ang blood pressure natin ay nasa pagitan ng 140/90 ang pinakamataas at 90/60 ang pinakamababa.

4. Nerbiyos – Ang mga nerbiyosong tao ay madalas din mahilo. Kapag kinakabahan, natatakot o nakasaksi ng nakahihindik na bagay, puwede silang mahilo. Ang tawag dito ay panic attack o nerbiyos. Kailangan lang nila na magpahinga at uminom ng pampa-relax tulad ng Lexotan 1.5 mg tablet. Sa doktor lang makahihingi ng reseta nito.

5. Kulang sa oxygen – Minsan naman ay may nahihilo o nahihimatay sa isang mataong lugar tulad ng simbahan o rally. Dala ito nang matinding init at dami ng tao. Kailangan lang mag­pahinga, magpahangin at mawawala rin ang hilo.

Sa panghuli, mayroon ding mga pinanggagalingan ang hilo na mas seryoso. Ito ay ang istrok at tumor sa utak. Ang istrok ay may matinding pagkahilo at may kasamang panghihina ng isang parte ng katawan. Ang tumor naman sa utak ay may kasamang matinding sakit ng ulo.

Subalit huwag matakot dahil bihira lang naman ito. Kung may karagdagang katanungan, magkonsulta sa inyong doktor.

BONAMINE

DALA

DAPAT

DIZITAB

ISA

KAILANGAN

KUNG

PROBLEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with