^

Punto Mo

EDITORYAL - Nakakahiya na ang ilang pulis

Pang-masa

SA kabila na ginagawa ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang lahat nang paraan para mapanuto ang kanilang mga miyembro at tahakin ang magandang direksiyon, meron pa ring naliligaw ng landas at nagdudulot nang batik sa organisasyon. Kakahiya ang kanilang ginagawa. Habang may mga pulis na ginagawa ang lahat para kagiliwan ng mamamayan, may ilan naman na kinatatakutan dahil sa ginagawa nilang kabuktutan.

Noong Huwebes ng madaling-araw, isang pulis na may ranggong PO1 ang nakipagbarilan sa mga kapwa pulis sa Quirino Highway, Quezon City. Hindi nanaig sa mga mabubuting pulis si PO1 Jay Rowan Poquiz makaraang makipagbarilan nang tangkaing tumakas. Si Poquiz ay matagal na umanong sinusubaybayan ng QCPD dahil sa mga serye ng pagnanakaw ng motor­siklo sa Metro Manila at mga karatig probinsiya. Ayon sa report, ibebenta ng mga suspek ang motorsiklo sa police assets sa isang gasolinahan sa QC nang makatunog na may mga pulis sa paligid. Tumakas si Poquiz at nakipagbarilan pero hindi siya umubra sa mga mabubuting pulis.

Noong Miyerkules ng gabi, isang PO1 ang nahulihan ng droga at hindi lisensiyadong baril sa Makati City. Nakasakay sa kanyang motorsiklo si PO1 Jomar Clemente­ ng sitahin sa checkpoint dahil wala itong helmet. Nang kapkapan, nakita ang di-lisensiyadong baril at nang halughuhin ang motor, nakakuha ng hinihinalang shabu. Ayon sa report, matagal nang sinusurveillance si Clemente dahil sa drug dealings sa Makati.

Noong nakaraang linggo, isang PO1 ang sinam­pahan ng kasong extortion at drug charges. Umano’y kinikikilan ni PO1 Jaime Jan Brian Nicabera ang isang lalaki ng P15,000 dahil nahulihan umano ng shabu. Pero nagsumbong sa mga pulis ang lalaki at inaresto si Nicabera. Natuklasan na marami palang kaso si Nicabera at 10 beses nang nasuspinde.

Marami pang PO1 ang namamayagpag at nagbi­bigay ng dungis sa PNP. Kakahiya ang PNP. Pag-aralan sana ang pagtanggap sa mga baguhang pulis. Huwag basta-basta i-admit ang mga magbibigay-dungis.

AYON

JAIME JAN BRIAN NICABERA

JAY ROWAN POQUIZ

JOMAR CLEMENTE

KAKAHIYA

MAKATI CITY

NANG

PULIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with