^

Punto Mo

EDITORYAL - Walang katapusang pag-angkat ng bigas

Pang-masa

A NG Pilipinas ay isang agrikultural na bansa. Lahat nang Pilipino ay alam ito sapagkat mula sa pagkabata, kanin na ang kinakain nang nakararami. Ang nasa kanilang hapag ay kanin. Ang kanin na ito ay mula sa palay na itinanim ng mga magsasaka sa mayamang lupa ng Pilipimas. Palay ang panguna­hing pananim sa bansa. Kahit saan magpunta, ma­lawak na palayan ang makikita. Maaamoy ang mabangong butil ng palay kapag malapit nang anihin.

Kaya sa lawak ng taniman ng palay ng bansang ito, nakadidismaya na patuloy pa rin sa pag-angkat ng bigas sa ibang bansa. Nakakahiya na ang inihahain sa hapag ay bigas na galing sa Thailand, Vietnam at China. Nakapanlulumo na sa lawak ng taniman ng palay, kailangan pang umangkat para lamang makakain ang mamamayan. Nakapanghi­hinayang ang mga lupain na dapat sana ay may tanim na palay para hindi na umangkat ng bigas.

Sa SONA ni President Aquino sa Lunes, ano naman­ kaya ang sasabihin niya na may kaugnayan sa agrikultura at sa nararanasang pagtaas ng presyo­ ng bigas. Kamakailan, sinabi ng National Food Autho­rity (NFA) na naghahanda na ang gobyerno sa pag-angkat ng 500,000 tonelada ng bigas. Sa Agosto ay darating na umano ang inangkat na bigas.

Ang bagong pag-angkat ay taliwas sa sinabi ni P-Noy­ sa kanyang SONA noong Hulyo 22, 2013. Sabi niya, “Ngayong 2013, ang pinakasagad na nating aangkatin, kasama na ang pribadong sektor, ay ang minimum access volume na 350,000 metric tons. Nakapaloob na po dito ang 187,000 metric tons sa reserbang buffer stock sakaling magsunud-sunod ang bagyo; malamang, dahil on-target pa rin tayo sa rice self-sufficiency, hindi na rin kailangan pang mag-angkat ng pribadong sektor. Dagdag pa po diyan, nagsimula na tayong mag-export ng matataas na uri ng bigas. Ang layo na po talaga natin doon sa panahong sinasabing hindi raw natin kayang pakainin ang ating sarili.”

Kailan matatapos ang pag-angkat ng bigas ng bansang ito na mayaman sa lupang sakahan?

 

BIGAS

DAGDAG

HULYO

KAHIT

KAILAN

NATIONAL FOOD AUTHO

PRESIDENT AQUINO

SA AGOSTO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with