Uok (222)
“TULOY na ang kasal natin, Gab. Doble-doble selebrasyon na ito,” sabi ni Drew habang yakap si Gab. Kahit maraming tao sa paligid ay wala siyang pakialam. Masayang-masaya siya. Natupad din ang pangarap niyang maging abogado. Tiyak na matutuwa ang kanyang daddy kapag nalaman ang resulta ng Bar exams.
“Maligayang-maligaya ako Drew. Sobra-sobra!”
“Gusto mo pakasal na tayo bukas!”
“Sobra ka naman. Next month na lang para mayroon tayong preparasyon.’’
“Garden wedding ang gusto ko, Gab.’’
“Ikaw ang bahala, wala namang problema sa gagastusin dahil pareho tayong may ipon at kumikita ang ating negosyo.’’
“Excited na ako Gab.’’
“Ako man, he-he!”
NAIHANDA ang kanilang kasal. Sa isang sikat na farm sa Antipolo ginawa ang garden wedding. Napapaligiran ng mga malalaking punong mangga ang pinagdausan ng kasal. Habang ginaganap ang seremonya ng kasal ay parang hindi makapaniwala si Drew na ikinakasal na sila. Parang nananaginip lamang siya. Nang matapos ang seremonya at hilingin ng pari na halikan ni Drew si Gab, nagpalakpakan ang mga guest. Hinalikan niya sa labi si Gab nang buong tamis. Lalong lumakas ang palakpakan.
Ang reception ay ilang metro lamang ang layo sa pinagdausan ng kasal. Napakaganda ng lugar. Maayos na maayos. Walang masabi ang guest sa dami at sarap ng mga pagkain. Ibinuhos nina Drew at Gab ang lahat para masiyahan ang mga panauhin.
Habang pinagmamasdan nina Drew at Gab ang mga guest, hindi niya maipaliwanag ang nararamdamang kasiyahan.
“Ganito pala ang pakiramdam ng natupad ang lahat nang pangarap. Walang kasing saya, Gab,’’ bulong niya.
“Ako man, Drew. Lahat nang wish natin, nangyari. Wala na akong mahihiling pa.’’
“Ako mayroon pang isang hindi natutupad.’’
“Ano yun.’’
“’Yung masilip ang pisngi ng birhen.’’
“Hoy may makarinig sa’yo.’’
“Wala namang nakakarinig.’’
“Mamaya yun.’’
KINAGABIHAN, sa isang magarang suite sa 5-star hotel. Magkatabi na sina Drew at Gab.
“Makikita ko na ang pisngi ng birhen, he-he!”
(Tatapusin)
- Latest