^

Punto Mo

Uok (213)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“OO, Drew. Malaki raw ang naitulong ng imbensiyon mo sa coconut industry. Kung hindi dahil sa natuklasan mong gamot ay baka lugmok na ang industriya ng niyog at maraming magsasaka ang naghihirap. Baka raw gawaran ka nang mataas na pagkilala ng pamahalaan,” sabi ng daddy ni Drew habang hawak ang diyaryo. Papasok na sana si Drew nang umagang iyon sa Law school nang batiin ng kanyang daddy.

“Malacañang daw ang mag-aaward sa akin, Daddy?­”

“Sabi rito sa news. Mismong ang Presidente raw ang mag-aabot. Sikat na sikat ka na, Drew. Natupad din ang pangarap ko na maging sikat ang apelyido natin.’’

Napangiti si Drew. Masaya siya sa balitang iyon sapagkat nakatulong siya sa mga mahihirap na magsasaka ng niyog. At ngayong nakita niya na masaya ang kanyang daddy, lalo pang nadagdagan ang kanyang kasiyahan.

“Siguro ay maraming ta­tawag sa akin, Drew at itatanong kung kaanu-ano kita. Sasabihin kong may pagmamalaki na anak kita. Talagang ipagsisigawan ko na ang aking anak ay isang magaling na imbentor.’’

“Tsamba lang yun, Daddy.­’’

“Hindi tsamba yun. Talagang mahusay ka.’’

Napatango na lang si Drew.

“At palagay ko mas lalo ka pang sisikat kapag ikaw ang nag-top sa Bar Exam, ha-ha-ha!”

“Matagal pa yun Daddy. Nasa first year pa lang ako.’’

“Mabilis lumipas ang panahon. Saglit lang ang apat na taon.’’

Napatango na lang uli si Drew. Ayaw niyang kontrahin ang kaligayahan ng ama.

Ginanap ang parangal kay Drew sa Malacañang. Siyempre, naroon si Gab. Bakas din sa mukha ni Gab ang kaligayahan. Ang Presidente ang nag-abot ng plake kay Drew. Mahigpit ang pagkamay sa kanya.

Nang magtalumpati si Drew sinabi niyang galing sa Diyos ang talino kaya niya natuklasan ang gamot laban sa peste ng niyog. Itinuro sa kanya para matulungan ang mahihirap. Pinasalamatan niya ang lahat lalung-lalo na si Gab. Nangako siya na tutuklas pa ng mga gamot para panlaban sa mga sakit ng halaman.

(Itutuloy)

 

ANG PRESIDENTE

AYAW

BAR EXAM

DADDY

DREW

MALACA

NAPATANGO

TALAGANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with