Football
ISA sa mga kinalolokohang sport ngayon ay ang football. Napakaraming tagahanga ng larong ito gayundin ang player. Isa sa mga may pinakamaraming tagahanga ay si David Beckham. At kung may isang napakasikat na bansa at team sa larangan ng football, ito ay ang Brazil. Kaya naman labis ang lungkot na idinulot ng pagkatalo nito sa Germany noong nagdaang linggo.
Narito ang mga trivia tungkol sa Brazil team na sumadsad sa Germany:
• Selecao o “The Selection” ang tawag sa National Football Team ng Brazil. Piling-pili ang mga manlalaro nito.
• Si Charles Miller ang nagdala at nagpakilala ng larong ito sa mga Brazilians noong 1892. Hindi niya akalaing lalaki ng ganito ang football at magiging bahagi ito ng pang-araw-araw na buhay ng mga mamamayan doon.
• Labis ang lungkot ng Brazilians sa football nang sila ay matalo ng Uruguay sa finals noong World Cup noong 1950. Pinangalanan pa nga nila ang pagkatalong iyon na “Maracanazo,” katulad ng mga bagyo at lindol na humahagupit sa bayan nila.
• Ang Brazil ang pinakamatagumpay at may pinakamagandang record sa buong kasaysayan ng football. Limang beses na itong nag-champion sa World Cup (1958, 1962, 1970, 1994 at 2002)
• Ang 7-1 loss ng Brazil sa Germany sa semi-finals ang pinakamalaking kahihiyan ng Brazil sa buong kasaysayan ng pagsali nila sa World Cup. Hindi lamang kasi sila basta natalo. Sila ay natalo sa kanilang home court. Brazil ang host country ng 2014 FIFA World Cup. Nakakahiya nga namang matalo sa harap ng sariling mga kababayan.
• Si Neymar, ang 22 anyos na football player ng Brazil na kamakailan lamang ay inalis sa liga matapos maaksidente habang naglalao versus Colombia. Si Neymar ang pang-apat sa highest-paid football players sa buong mundo.
- Latest