^

Punto Mo

Problema sa parking, ayusin!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Hindi lang sa mga pangunahing lansangan o major roads madalas na nararanasan ang matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko, kundi maging sa mga secondary  road nagiging problema rin ito.

Yun nga lang kung sa mga major roads ang sobrang dami ng sasakyan at mga pasaway na driver ang sinasabing madalas na sanhi ng trapik, sa mga secondary road kadalasan namang dahilan ng pagsisikip ay dahil sa ginagawang parking ang mga kalsada.

Karamihan dito ay yung mga may negosyo, na kapag nagtayo ng business hindi na isinasang-alang alang ang parking ng kanilang mga kostumer, katwiran nila meron namang kalsada.

Marami rin sa mga ito ay yaong mga private schools lalu na sa Quezon City ang umokupa na ng lansangan bilang parking. Naku naman barangay ang kumukunsinti dito. Halimbawa nito ay iyong Chinese school sa E.Rodriguez bago mag-Cubao, ang isa pa ay sa Scout Gandia sa Brgy. Sacred Heart at itong sa Scout Torillo--kalsada nagsisikip sa dobleng   parking na inokupahan.

Dyan na ngayon nagsisimula ang malaking problema.

Hindi bale kung ida-drop lang ang kanilang mga sakay na estudyante, ang matindi yung mga naghihintay na sa paglabas kung saan matagal na oras na ginugugol na naka-park sa kalsada na parang nabili nila.

Hindi lang  yan, double parking pa madalas. Ang alam natin dito ang pagtatayo ng eskwelahan ay dapat may parking area na sila sa loob. Dapat pansinin ito ng pamahalaang  lungsod ng Quezon.

Hindi lang yan, maging ang maraming restaurant, ganyan  na din ang gawi, walang kaukulang parking na inihahanda para sa kanilang mga kostumer.

Hindi lang ito napapansin  marahil ng MMDA, dahil tutok sila sa mga major roads, pero hindi rin ito napapansin ng mga opisyal sa barangay o lokal na pamahalaan na matagal nang idinudulog sa Responde, ng marami nating kababayan. 

Bakit di kaya napupuna ito ng lokal na pamahalaan. Ang paglala nito ay nangangahulugan santambak na problema sa parking sa Metro Manila .at kapag lumala madalas na nagiging sanhi ng alitan sa trapiko  at na nauuwi sa bayolenteng komprontasyon.

 

 

vuukle comment

BAKIT

METRO MANILA

PARKING

QUEZON CITY

SACRED HEART

SCOUT GANDIA

SCOUT TORILLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with