^

Punto Mo

Uok (209)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“P ARA pala silang mga cocoon, ano Pareng Nado,’’ sabi ni Basil nang makita sa container ang mga Uokcoco na nakabalot sa bulak na mistulang lawa-lawa o cotton candy.

“Oo, Pareng Basil. ‘Yang mga bulak na na­kabalot sa Uokcoco ang tinutunaw at ginagawang pesticide. Mas epektibo sa peste ng niyog Pare.’’

“Ah ganun pala. Dati ba ay paano ang sistema, Pareng Nado. Wala talaga akong ideya kahit na ikinuwento nina Gab at Drew. Hindi ko ma-imagine kung paano nilalabanan ng Uokcoco ang mga peste ng niyog.’’

“Nang madiskubre ni Drew ang mga Uokcoco, pinakakawalan lang namin sa mga puno ng niyog. Bawat puno ay nagpapa­kawala kami ng isa hanggang dalawang Uokcoco at makaraan ang tatlong araw, lipol na ang mga peste. Pero nang tumagal napansin ni Drew na mabagal ang paglipol kaya nag-isip siya nang paraan. Habang nag-iisip ng paraan, may napansin si Drew sa mga matured na Uokcoco. Nagkakaroon ng balot na puti o cotton ang bawat Uokcoco. Hanggang sa gumana ang malikot na imahinasyon ni Drew. Ipa-eeksamin daw niya ang mga lawa-lawa o cotton candy dahil malaki ang kutob niya na mabisa itong gamot laban sa mga peste ng niyog.

“Hanggang sa maging positibo nga ang nasa isip ni Drew. Nang maeksamin, napakaepektibo laban sa mga peste. Mas mabisa at mas mabilis iaplay sa bawat niyog. Kasi’y kapag natunaw ang mga lawa-lawa, iyon na mismo ang pesticide. Iisprey na sa bawat niyog at lipol ang mga peste.

“At maaaring hindi pa alam ni Drew at Gab na hindi lamang sa peste sa niyog epektibo kundi pati na rin sa mga bungangkahoy.’’

“Talaga, Pareng Nado?”

“Oo. Sinubukan kong iisprey sa langka at bayabas at lipol ang mga peste. Napakahusay ng Uokcoco pesticide, Pareng Basil.’’

“Talaga palang walang patawad sa peste.’’

“Oo kaya nga napakasuwerte ni Drew at Gab, mga bata pa lamang sila ay masagana na ang buhay dahil  sa natuklasan nila.  Akalain mo, dahil sa uok, naging milyonaryo at baka maging bilyonaryo pa sila.’’

“Ikaw din naman Pare, bilyonaryo ka rin, he-he-he!”

“Pare, ikaw din dahil kasama ka rito. Mayaman ka rin Pareng Uok.”

(Itutuloy)

 

DREW

HANGGANG

NANG

OO

PARENG BASIL

PARENG NADO

PESTE

UOKCOCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with