^

Punto Mo

Pinakabatang lasenggo sa buong mundo, nasa China!

- Arnel Medina - Pang-masa

SI Cheng Cheng ay 2-taong gulang na batang lalaki mula sa probinsya ng Anhui sa China. Sinasabing siya ang pinakabatang lasenggo sa mundo dahil hilig niyang uminom ng alak at beer.

Nagsimula ang pagkahumaling niya sa alak noong siya ay sanggol pa lamang. Ang ginagawa ng kanyang ama para siya tumigil sa pag-iyak ay isinasawsaw ang isang chopstick sa alak at saka ipapasipsip kay Cheng Cheng. Tumatahan siya tuwing ginagawa ito ng kanyang ama at simula noon ay nagustuhan na ni Cheng Cheng ang mga inuming nakakalasing. Sa sobra nga niyang pagkahumaling ay mas pinipili niya ang alak kaysa gatas.

Noong una ay natutuwa pa ang mga magulang ni Cheng Cheng sa kanya dahil sa pagkagusto ng musmos sa alak at beer pero nang mapansin nilang nahuhumaling na talaga ito sa mga nasabing inumin ay nabahala na sila. Umaatungal kasi ang kanilang anak tuwing hindi siya nabibigyan ng alak. Kaya naman kahit inuulan na ng batikos ang mga magulang ni Cheng Cheng dahil sa pagbibigay nila sa kanilang anak ng mga may alcohol na inumin ay tuloy pa rin ang pagpapainom nila rito ng alak at beer.

Gumagawa naman sila ng paraan upang mawala ang pagiging lasenggo ng kanilang anak dahil natatakot din silang makulong. Ngunit dahil nagwawala ang kanilang anak at naghahanap ng alak at beer, binibigyan nila ito ng kaunting alak upang matahimik.

Pinag-iisipan naman ng mga kinauukulan sa China kung kailangan na bang alisin si Cheng Cheng sa pangangalaga ng kanyang mga magulang.

ALAK

ANHUI

CHENG

CHENG CHENG

GUMAGAWA

KAYA

NAGSIMULA

NGUNIT

NOONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with