^

Punto Mo

‘No take policy’ ni Roxas, moro-moro

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NABAON na sa limot itong “no take” policy ni DILG Sec. Mar Roxas laban sa illegal gambling kung ang namumutakting pasugalan sa buong bansa ang gagawing basehan. Dati-rati kasi mga kosa, patago o gerilya ang operation ng pasugalan bunga sa rumaragasang “no take’ policy ni Roxas subalit  naitago na ito sa baul nitong nagdaang mga araw. Bilang patunay na hindi na takot ang mga gambling lords sa “no take’ ni Roxas ay ang pagpulong ng isang jueteng financier noong Huwebes sa buong management ng naturang sugal sa parte ng southern Metro Manila. Mag-uumpisa na raw sila sa Martes at ang lahat ng umattend ng meeting ay pinabaunan pa ng P5,000 kada isa sa paglisan nila. May basbas na kaya ni SPD director Chief Supt. Jet Villacorte ang gambling lord na magbubukas ng jueteng sa SPD area? Siyempre, hindi rin makapag-operate ang jueteng sa SPD kung walang go signal nina NCRPO Dir. Carmelo Valmoria, CIDG chief Dir. Benjie Magalong, PNP Chief Dir. Gen. Alan Purisima at mismong opisina ni Roxas, di ba mga kosa? Isama na ang pag-ayon ng IG, at DI sa Camp Crame, NBI, at GAB. Hehehe! Maraming gutom sa pitsa na opisyales ng gobyerno ang kakausapin ng gambling lord, kabilang dito ang lokal na pulisya, LGUs at barangay, bago sila makapag-umpisa, di ba mga kosa? Kaya kapag natuloy ang jueteng sa SPD sa Martes, ibig sabihin SWAK o may lingguhang intelihensiya na ang mga nabanggit na opisina ng PNP at gobyerno sa gambling lord! Mismo!

Kaya nasabi naman ng mga kosa ko na full blast na ang pasugalan sa Metro Manila ay dahil sa patuloy na tong collection activities nina Boy Go, Jojo Cruz, at mga alyas Rafael, Cubos, Pandukot, Cristobal at Espeleta. Kung sinu-sinong opisyal ng NCRPO ang binabanggit ng grupong ito ni Cruz, alyas Pandak, at ang nakakalungkot nitong mga huling araw, si Valmoria na ang bukambibig nila. Ayon sa grupo ni Cruz, dapat mag-abot nang malaking halaga ang mga gambling lords at financiers ng mga putahan at beerhouse sa Metro Manila sa kanila dahil sa nalalapit na birthday ni Valmoria. Ano ba ‘yan? Dapat supilin na ni Valmoria ang grupo ni Cruz, alyas Boy Pandak, at baka mapurnada pa ang nalalapit na promotion niya, di ba mga kosa? Kapag nakasimangot ang financiers ng mga illegal sa Metro Manila sa darating na mga araw, ‘yan ay dahil nabiktima sila ng tropa ni Cruz nang pang-birthday ni Valmoria. Tiyak ‘yun!

Sa bandang Rizal naman ang me pa lotteng at video karera operation ay si Bong Sola, si Jonie ang may makina rin sa Cainta, at meron ding terembe, sakla at kahoy. Mayroon ding jueteng sa Rizal, anang text ng kosa ko na dati ding sangkot sa illegal gambling. Hehehe! Normal na ang operation ng pasugalan sa bansa at ang napupulaan ay si Roxas. Kung sino man ang nag-suggest nitong “no take” policy niya sa illegal gambling ay dapat habulin ni Roxas dahil hindi ito nakatulong sa ambition n’yang maging presidente ng bansa. Sa totoo lang, kung ang election, ay gaganapin sa ngayon, tiyak walang botong makukuha si Roxas sa mga gambling operator, management, kubrador at higit sa lahat sa mga mananaya, na napahirapan at nakulong pa sa moro-moro na “no take’ policy niya. Abangan!

 

ALAN PURISIMA

BENJIE MAGALONG

BONG SOLA

CRUZ

GAMBLING

METRO MANILA

ROXAS

VALMORIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with