^

Punto Mo

Uok (203)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“KAILANGAN na na­ting magpagawa ng isang malaking tindahan para sa ating produktong Uokcoco pesticide,” sabi ni Drew.

“Inio-offer ko nga ang aking lote sa probinsiya para doon gawin ang tindahan. Mas marami tayong maila­lagay na pesticide kapag nagawa ‘yun, Drew.”

“Sabihin muna natin kay Sir Basil – sa daddy mo. Mabuti nang alam niya ang tungkol sa ating balak.’’

“Papayag yun, Drew. Kasi nga nailipat na sa akin ang titulo.’’

“Gusto ko marinig sa kanya mismo ang pagsang-ayon. Kahit nakapangalan na sa’yo ang lote, mas mabuting malaman niya. Ayaw kong may masabi siya sa akin. Tiwala pa naman siya sa akin.’’

“E di sabihin na natin ngayon. Hangga’t maaga, kailangang makapagpagawa ng tindahan dahil dumadami ang demand ng Uokcoco pesticide.’’

“Sige, sabihin natin ma­maya.’’

“Papayag yun sigurado. Wala pa akong hiniling na hindi niya pinagbigyan.’’

“Sana nga, Gab. Siyanga pala, kung magpapagawa tayo sa lote mo, naisip ko, doon na rin ang breeding area ng Uokcoco.’’

“Oo naman. Kaya nga dapat, isang malaking building na ang ipagawa natin. Ang ground floor ay tindahan at sa second at third floor ay breeding area at sa fourth floor ay ang pagtutunawan ng mga lawa-lawang pinoprodyus ng mga Uokcoco.’’

“Aba okey ang suggestion mo, Gab. Sige, ituloy natin ang plano.’’

Kinagabihan, sinabi na nina Gab at Drew ang balak. Pumayag si Basil. Walang tutol.

“Hindi ako tutol sa­pagkat ang layunin ninyo ay ma­katulong at para paunlarin din ang inyong sarili. Gawin ninyo ang nararapat.’’

“Salamat po, Sir Basil.’’

Hinalikan ni Gab si Sir Basil.

 

AGAD sinimulan ang construction ng building at nang matapos iyon, dumagsa pang lalo ang mga bibili ng pesticides. Nakatulong na sina Gab at Drew ay yumaman pa sila. Maski si Tiyo Iluminado ay yumaman dahil sa Uokcoco pesticides.

(Itutuloy)

AYAW

GAWIN

HANGGA

HINALIKAN

PAPAYAG

SIGE

SIR BASIL

TIYO ILUMINADO

UOKCOCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with